Thursday, November 27, 2008

H

March 26 - April 1, 2006

H is for Health Ethics Departmental / Huli
3/30/06 Natapos na ang final exam sa Computer. Shift from hands-on to written exam na may identification & matching type. Ipinasa ko na rin 'yung mga stocks ko ng fruitflies. Naawa ako sa birth certificate ni Justin. Original ba 'yun? Blue 'yung tinta & 3/4 lang ng long bond paper 'yung laki. (Ganoon naman pala talaga 'yun. 3/4 lang talaga ang laki n'ya. Ganoon din kasi 'yung kay Angeli.) Umakyat na ako sa hagdan papuntang rooftop. Nag-aral na ako para sa Health Ethics. Hindi ko masyadong naaral 'yung principles. Pagdating ko sa 6th floor, hiningi ng prof 'yung permit. E, naiwan ko sa faculty room. Baba na naman ako. Pag-akyat ko, tinawag na raw ako para mag-exam. Hindi ako pumasok dahil hindi ko naman narinig 'yon. Baka hindi rin ako papasukin. Nag-aral uli ako. Pinapasok rin ako. Nahirapan ako sa test, lalo na sa application ng principles. 76/100 ang nakuha ko. Tiningnan ko 'yung kay Justin. Kamusta kaya test niya? Sabi niya, 71/100 daw. May eksena pang I hate me! I hate me! ang kumag nang makatapos siya sa exam. Pareho pa nga sila ni Kristina ng score. Naks! Soulmates. Nang matapos nang mag-exam ang buong klase, nag-trip-trip na ang mga tao. May hinablot si Jerome kay Justin. May nahulog na puting bagay. Akala ko papel lang, bulsa pala. 'Yung chest pocket. Hinablot pa ni Jerome 'yung iba pang bulsa ni Justin. Nalaslas...TO BE CONTINUED

3/30/06

~~Picture-istic~~















Tuesday, November 18, 2008

G

March 19 - 25, 2006

G is for Goodbye
3/23/06 farewell & awarding

G is for Good
3/21/06 Bati na raw si Joachim & 'yung nakaaway niya. Nagyakapan pa nga raw sila.

G is for Gulp
3/25/06 inuman sessions

G is for Guts
3/23/06 6th floor, POD-CIT. Pinagtripan ni Jerome si Justin. Dinakma niya 'yung ano ni Justin. Nung Genetics naman, dinuraan/nilawayan naman niya si Justin. Kadiri ka, Jerome.

~~Chu-tune Train~~
Hardcore Poetry
Joey Generoso


It depends on who is looking at the tenement walls
Whether he's coming home or passing through
You can walk the streets and find so much to criticize
But that would be the easy thing to do
'Coz there's beauty in the concrete
If you see it with your heart
The sidewalks only hurt you
If you hate them from the start
THIS IS A SONG NOT NECESSARILY SWEET
I'LL PASS IT ON TO FOLKS THAT I NEVER WILL MEET
AND IF MY WORDS DON'T MAKE HISTORY
JUST CALL IT HARDCORE POETRY
You can blame the world if troubles come
And knock at your door
Let your weakness cut you down to size
If you find some fault with everything surrounding you
Maybe it's your narrow-minded eyes
'Coz there's music in the city
If your ear is to the ground
Only nonbelievers never hear a single sound
THIS IS A SONG NOT NECESSARILY SWEET
I'LL PASS IT ON TO FOLKS THAT I NEVER WILL MEET
AND IF MY WORDS DON'T MAKE HISTORY
JUST CALL IT HARDCORE POETRY

F

March 12 - 18, 2006
F is for Franzen
3/12/06 Your Song: Narda. Iya - Franzen love team ^^; Sabi ng nanay ko, gumwapo raw si Franzen & magaling naman daw pala itong magdrama. Mahaba na ang buhok niya & mukha na siyang tao. ^^;


F is for Fumigation
3/16/06 Nag-pest control daw ang DLA sa adopted barangay nila. Sabi ko, bakit hindi pa isinama 'yung ibang taga-A sa iko-control tutal may mangilan-ngilan ding peste sa kanila.

F is for Fight
3/16/06 Nag-away kami ni Joachim. Ang kulit-kulit kasi, e. Pilit niyang pinapa-burn 'yung Nancy Cruzan nina Yam, e ang dami kong ginagawa. May course paper na, may Existensialist Diary. Uunahin ko pa ba siya? Palibhasa hindi siya ang maaabala. Nataasan ko siya ng boses. Sabi niya, bakit daw ako sumisigaw? Naisip ko kasing titigil na siya kapag sumigaw na ako. Hay naku! Parang bakla kung makipag-argumento. Bakit ako pa raw ang nagalit. Hindi ko naman daw kailangang sumigaw. Nag-sorry rin ako sa kanya. Maya-maya, nag-text sa akin: Sorry kanina, ha? Ganun kasi siya, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang gusto niya.

F is for Foe
3/17/06 Umiyak si Joachim. Sabi ko, mahirap itinatago ang sama ng loob. Gusto kong makakita ng lalaking umiiyak pero kapag kaharap ko na, hindi ko naman kaya. Inasar daw niya 'yung kaklase niya. Hindi niya alam kung bakit niya inaaway 'yon, e wala naman daw ginagawang masama sa kanya. E, parang nagkahamunan na. Hindi naman niya pinatulan. Malaki raw, e. Pinagsisihan naman niya ang ginawa niya.

F is for First Time
3/18/06 Bumaba ako sa Gastambide. Nandoon na 'yung iba kong mga kaklase. May mga nakasakay na sa likod ng pick-up van ni David. Sabi ni Justin, hindi raw siya sumabay sa akin dahil baka ma-late siya. Nasa likod ng pick-up 'yung mga pagkain & gitara. Isa-isa nang nagdatingan ang mga kaklase ko. Ipinamigay na ni Gaile ang mga ginawa niyang name tags. Nag-volunteer kasi siya na gumawa noon. Grabe, ang laki! Alternating lower & upper case letters pa.Dumating na rin si Prof. dela Cruz. Sabi niya, 'wag magsuot ng puti - pero bakit naka-dirty white siya? Inilabas niya 'yung digicam niya. Picture-picture daw. May mga lalaki sa 'di kalayuan. Nagsi-pose ang mga kaklase kong babae. Hindi ko alam kung kinunan ba sila o hindi. Tumugtog si Kristina ng Same Ground. Nakikanta ako, si Arianne & iba pa. Sinabi ulit ni Yam amg mga paalala. Class picture daw. Nagtago si Yam sa likod ng isang van. Nagtago naman ako sa likod ng puno. Nakita nilang nagtago ako kaya pinilit nila akong lumabas. Pumunta ako sa likod para hindi ako makita sa picture. Dinala na ng iba ang mga mga gagamitin. Si Kristina lang ang may dala ng videocam. 'Yung iba, digicam ang dala. Iniabot ko kay MC 'yung mga pink na cartolina na dala ni Kristina. May mini playground sa yard. May iniikot na tic-tac-toe. Mayroon ding mgas laruang Little Tikes (plastic slides, etc.). May pusa sa playground na pinangalanan kong Ernest. TO BE CONTINUED...

~~Picture-istic~~
Soichiro the Dog

E

March 5 - 11, 2006
E is for E
3/5/06 SM Bacoor. May babaeng may dalang baby na bumaba sa hagdan. Hindi niya siguro nakita 'yung susunod na step kaya nahulog silang dalawa sa stairway landing.

E is for Excel
3/7/06 Computer. Hindi ko natapos ang hands-on exam namin sa Microsoft Excel. Rounding off lang ang hindi ko nagawa.

E is for Emotional
3/7/06 Genetics. Break (forever break naman yata, e). Umiiyak si Marc. Tinext daw siya ng ex niya. Inaasahan niyang magkakabalikan pa sila, hindi na pala. Umasa lang daw siya sa wala.
3/10/06 Niyaya ako ni Justin na tabihan siya habang kumakain. Sabi niya, may sakit daw ang kaibigan ng nanay niya. Parang pangalawang nanay raw niya 'yon kaya kapag na-ospital daw 'yon a-absent daw siya sa klase para magbantay.

E is for Expect the Unexpected
3/7/06 Health Ethics. Pinagawa kami ng assignment: If I were to die 30 days/a month from now. Eto'ng akin...
IF I WERE TO DIE 30 DAYS FROM NOW…
Day 1 I’ll write the final edition of my longest story.
Day 2 I’ll write down everything in my mind.
Day 3 I’ll surf the net all day long.
Day 4 I’ll watch the all the movies I want.
Day 5 I’ll watch the all the movies I want.
Day 6 I’ll rent a gown / watch a play in CCP or a concert in Araneta Coliseum.
Day 7 I’ll call or contact my friends.
Day 8 I’ll visit places where I had been.
Day 9 I’ll have my picture taken in a studio.
Day 10 I’ll stay in a hotel overnight.
Day 11 I’ll practice for my concert.
Day 12 I’ll have a concert.
Day 13 I’ll visit a museum.
Day 14 I’ll visit a zoo.
Day 15 I’ll visit an amusement park.
Day 16 I’ll learn how to cook.
Day 17 I’ll learn how to drive.
Day 18 I’ll learn how to swim.
Day 19 I’ll visit an orphanage / work as a fast food crew member.
Day 20 I’ll write my last will and testament.
Day 21 I’ll open my time capsule and reminisce on my past.
Day 22 I’ll do a general house cleaning.
Day 23 I’ll record my own album / make my own movie or film.
Day 24 I’ll eat my favorite dishes, draw, and / learn how to play the guitar.
Day 25 I’ll thank everyone who touched my life / write the things I want to say to everyone who touched my life.
Day 26 I’ll finish my website and my online diary.
Day 27 I’ll have my open forum with my parents and / friends.
Day 28 I’ll rearrange all my belongings.
Day 29 I’ll complete my encounter journal* and people-to-curse list.
Day 30 I’ll attend a mass, confess my sins to God, and talk to Him the whole day.
* encounter journal – list of the people I meet or get to know in my lifetime
Work like there’s no tomorrow, live like there’s no today. How would we do that?
Kinuha ni Justin 'yung idea sa gawa ko, tulad ng concert sa Araneta Coliseum & 'yung confession - pero gagawin n'ya 'yun sa Vatican, sa santo papa. 'Yung gawa na talagang matatawag mo na astig, e 'yung kay Fatima. Parang ganito 'yun, e: If I were to die 30 days from now, I will stop writing this essay because every minute counts. Ewan ko lang kung 'yon ang ipinasa niya.

E is for Evaluation Revenge
3/8/06 Sociology. May taong pumunta sa classroom & sinabing ie-evaluate namin ang mga professors namin. Sabi ko, it's time for revenge. Natakot si Prof. Carian. 'Wag daw namin siyang paghigantihan. Sabi ko, hindi naman siya kasali sa mga paghihigantihan. Siguradong ibabagsak nila sa evaluation si Prof. Matias.
~~Blessings~~
3/10/06 sopas
3/11/06 nanganak ang pusa naming si Tagpi
~~Ha-quote~~
'Pag nakita kitang ginagago ng iba
Hindi ako iiyak
Hindi ako magmumukmok!
Lalapitan lang kita, yayakapin sa harap nila, sabay sigaw
"'Tang ina nyo! Abnormal na nga 'yung tao ginagago n'yo pa!"

D

February 26 - March 4, 2006
D is for Don't cha
Hangover ng Shooting
2/26/06 Paano ko namang makakalimutan ang shooting namin sa Health Ethics kung lahat ng bagay ay nagpapaalala sa akin tungkol dito? Umakyat ako sa 3rd floor ng SM Bacoor para humanap ng USB cable para sa videocam. Don't cha ang playing song sa Hurricane, na siya namang background song ng bloopers namin. Sa department store & sa ASAP '06, Ligaya ng Eraserheads naman ang kanta - na siya namang tugtog sa bahay ni Ralph nang nagshu-shoot kami. Sinasabayan pa nga ni Justin 'yung kanta: 'di ako manyakis tulad ng iba... (talaga lang, ha?)


D is for Dakdak

2/28/06 Talk with Pitchie. Tinanong ko kung nagka-boyfriend na siya & na-in-love. Oo raw, pero break na sila. Dati raw niyang kaklase 'yon & ilegal ang relasyon nila. Minsan daw, nagkaroon ng party. Nandoon daw sila pareho. Kinukulit daw siya nung lalaki. Naasar 'yung isang lalaki & pinagbantaan 'yung nagungulit na ipupukpok sa kanya ang gitara. Nang mag-CR daw 'yung lalaki, uminom ng isang shot si Pitchie. Ayaw raw kasi nung lalaki na uminom ang huli ng alak. E 'di raw agad naalis ang epekto sa kanya. Namula raw ang mukha niya. Tinanong ko rin kung hindi ba nakaka-istorbo sa pag-aaral ang pagbo-boyfriend. Hindi raw. Masarap daw ang feeling ng may boyfriend dahil nararamdaman mo na may nag-aalala & nagke-care sa 'yo. May tagadala ng bag? Oo. Marami raw nakaka-crush sa kanya. Sabi niya, inaway raw siya ng isang babae dahil ang crush ng babaeng 'yon ay may crush kay Pitchie. Hindi raw siya magkaka-crush sa isang tao kung wala itong crush sa kanya. 'Pag nagka-crush daw sa kanya ang isang lalaki, nagiging crush na rin niya 'to. May bago raw siyang crush, Zervon ang pangalan. 6th degree relative n'ya raw. Una yata silang nagkita sa isang resort. Sabi ni Pitchie, nai-love daw ito sa legs niya dahil naka-shorts siya noon. Minsan daw, hiningi 'yung number niya pero hindi n'ya yata naibigay. Nang malaman daw ng tatay niya na may gusto si Zervon kay Pitchie, nag-iba yata ang pakikitungo ng tatay niya kay Zervon. Minsan daw, nasa loob siya ng kotse, dumaan daw si Zervon & tinanong kung sino ang nasa kotse. Nagkatinginan daw sila. Sana raw bumili siya ng barbeque, ewan ko kung bakit. Kahit ano raw ang hitsura ng lalaki, basta napapatawa siya - ok na. Itinutukso raw ni Rachelle si Justin sa kanya. Hindi naman daw niya gusto. Tatanung-tanong ako ng tungkol sa jowa, parang tapos na akong mag-practicals sa Genetics. Hindi naman ako nakalimot. Nag-aral na ako ulit nang tawagin si MC. Nakakatuwa talaga 'pag nakakakwentuhan mo ang mga taong 'di mo akalaing makikipag-usap sa 'yo.

D is for Disappointed
2/28/06 Nadisappoint ako sa nakuha kong grade sa practicals namin sa Genetics. Akala ko mataas ang makukuha kong grade, hindi pala. 85 lang ang nakuha ko. Dahil ba may konti akong kodigo? Dahil ba nakalimutan ko 'yung elongation nang ipaulit niya? Buti pa si Justin, 95. At si David, 90.

D is for Do-hair (Hairdo)
2/28/06 Astig ang hairdo mo ngayon: Wilmer & Justin (ganggu yata, 'to)

D is for Dugas
3/2/06 Potah! Kakapurga na 'tong sangkatauhan! Tuwing may gagamitin akong bagay, may aagaw - sila ang gagamit. 'Tang ina n'yo! Ang susugapa n'yo! Tapos 'pag hindi mo pinagbigyan, sasabihan kang madamot. Hah! Look who's talking. Libingan na lang ang pag-agawan n'yo. Lagi n'yo na lang akong inaagawan & sinasapawan. Mamatay na kayo! Amp!

Parang nagliliyab ang nguso ko. Kiss-deficient kasi. ^^;

D is for Danger
3/2/06 Aguinaldo Highway. May tricycle sa likod ng kotse namin. Wala itong ilaw, reflector o reflectorized sticker para makita sa dilim. May mabilis na kotseng paparating galing sa kabilang lane. Sabi ng tatay ko, nahagip & tumilapon daw 'yung tricycle driver. Sana naman, hindi namatay 'yung driver.

D is for Duyan
3/1/06 Gabi. Sa faculty room. Lumindol. Para kasing may umuga sa lamesa habang nagsusulat ako. Bumalik si Joachim. Hindi siya naniwalang lumindol. First time kong makaranas ng lindol na aware ako.

D is for Drama
3/3/06 Mrs. Cabanes cried.

~~Blessings~~
3/2/06 92 pa rin ang grade ko sa Statistics.

~~Picture-istic~~
Tsubasa

C

February 19 - 25, 2006
C is for Chase
2/20/06 Ang laki ng ibinaba ng grade ko sa Political Science. From 94, naging 86.55 na lang. Hindi kasi ako nag-aaral, tapos puro essay pa naman ang exams. Mahina ako sa essay. Nakakalimutan ko agad 'yung mga dapat tandaa. Magreview ba naman 1 oras bago ang exam, e wala talagang mare-retain sa utak ko. Tapos 'yung mga kumag na kaklase ko (tulad ni Justin), e masaya - nagbubuklat ng libro. Sabi n'ya masyado raw maluwag ang prof kaya natukso daw siyang mangopya. Oo, mataas ang nakuha niya. Akala ko nga mas mataas pa sa akin ang midterm grade niya, buti na lang hindi. Talagang hindi nagwawagi ang kasamaan. Akala ko matataasan din ako ni Gaile, hindi naman pala. Mag-aaral na nga ako. Basta, malinis ang konsensya ko - hindi ako nangopya.
C is for Chat
2/22/06 Nag-usap kami ni Camille. Kung anu-ano lang. Ang naaalala kong napag-usapan namin, e kung kailan siya nagsimulang magyosi.
C is for Cease
2/22/06 Yume ni Notte is dead, pero kahit papaano, na-grant na 'yung request ko bago magsara 'yung site - Sotto Chikau Shunkan ng Hyper Speed Grandoll. Thank you, Yume ni Notte.
C is for Charot!
2/24/06 Kuntodo pa-gel pa si Mati, akala mo nagmukhang lalaki. Akala ko tuloy kasama siya sa mga ushers & usherettes.

C is for Class Invasion
2/22/06

C is for Cine
2/23/06 Humiliation Day
~~Blessings~~
2/21/06 nanganak ang pusa naming si Forte
~~Chu-tune Train~~
PAANO KUNG MALAMAN MO
Composer / Lyricist: Marizen Yaneza - Soriano
Vocals: Kristine Bernadette Petilla

Kay ligaya ko sa tuwing kasama ka
Bawat saglit ayaw ko nang matapos pa
Kay tagal na rin itong aking damdamin
Iniingat-ingatan ko na sana'y 'wag mong mapansin

Chorus:
Paano kung malaman mong ako'y nagmamahal sa 'yo
Ang puso ko'y nangangamba
Pagka't alam kong may mahal ka nang iba
Ayokong mabigo, kung 'di rin lang magtatagpo ang ating puso

Kay tagal na rin itong aking damdamin
Iniingat-ingatan ko na sana'y 'wag mong mapansin

Chorus

Inaamin kong ako'y nasasaktan
Pinapangarap ko rin
Na sana ako ang 'yong mahal

Chorus

Ayokong mabigo
Ayokong masaktan
Paano kung malaman mong ika'y aking mahal
Paano kung malaman mong...ikaw

B

February 12 - 18, 2006

B is for Battle
2/15/06
Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 3
Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 4

~~Picture-istic~~

Karen Quinlan Group. Seryoso po kami.

A

February 5 - 11, 2006
A is for Anga
2/06/06 PE. Volleyball practice. Pinagalitan ako ng prof namin dahil nagsusulat ako. Tanga ko rin & malaking notebook pa ang inilabas ko. Prof. Mariano: Ano bang subject mo ngayon? Kung ayaw mong sumali, 'wag ka nang pumasok.Naiinip kasi ako. Wala akong magawa, kaya nagdasal na lang ako. Ikakamatay ko ang pagkainip. Hindi ko kayang mabuhay nang walang ginagawa.

A is for Ayan!
2/08/06 Political Science. Sabi ni Gaile, tahimik daw siya sa bahay. Sabi ko, "So this is your outlet" (school). Oo daw. Sa labas daw siya ng bahay maingay. Sabi ni Prof. Pinlac, ok lang daw maging maingay, basta ilagay lang sa lugar.
2/10/06 Statistics. Presentation ng graphs. Maingay na naman si Gaile. Sabi ni Prof. Gano, "Si Santiago, ang ingay. Nakikipagsabayan sa nasa unahan."
A is for Aray
2/09/06 Hapon. Biglang sumakit ang ulo ko. Bihirang-bihirang sumasakit ang ulo ko. Pagkauwi ko sa bahay, napagpasiyahan kong bumili ng Biogesic. Tatanga-tanga, nakipaghabulan pa ako kay Snow (aso namin). Lalong sumakit ang ulo ko.

A is for Api Bedey
2/9/06 Birthday ni Yam ngayon. Namigay siya ng donuts & candies. Thank you!

A is for Action!
2/10 - 2/11/06
Karen Ann Quinlan Play: Shooting Day 2

~~Ha-quote~~
Maganda ang boses mo
Magtiwala ka sa sarili mo.
May talent ka, kaya mo yan.
GIVE IT ALL, GO ON!
'Wag mong itago ang bigay ni LORD!!!
Sige isigaw mo:
BALOOOOOT!!! / TINAPAAAA!

Z

January 29 - February 4, 2006

Z is for Zero Interest (as in walang interest sa event)
PDA Mass Stupidity
1/29/06 6 A.M. na nang umalis kami ng tatay ko sa bahay. Noong nakaraang taon, ang aga kong dumating. Madilim pa nga, e. Naalala ko nga kung paano ako ipinakilala ni Jerra sa nanay & kapatid niya. "Siya 'yung nagsabi kung ano'ng ibig sabihin ng Ped Xing (pedestrian crossing). Alas-7 naman nagsimula ang parada noon.Back to the present. Pagdating ko, nagsimula na 'yung parada. Hindi ko nakuha 'yung t-shirt para sa parada pero sumama na rin ako. Pumunta ako sa dulo ng pila ng mga naka-pink na t-shirt. May streamer na katsa ang UE. Muntik na akong makaladkad ng streamer dahil ipinalibot nila 'yon sa mga estudyante ng UE Dentistry. Umalis ako sa mga napapalibutan nun. Dahil naiinis ako sa parada, nagkabisa ako ng DNA Replication. Mas maiksi na ang rutang nilakad namin. Bumalik din kami sa grandstand & doon naupo ang mga sumama sa parada. Ang init, sobra! Naaarawan kasi kami sa pwesto namin. Naglagay lang ako ng towel sa ulo & nagsimula na akong manahi ng zipper & butones para sa transcription-translation. Nanahi ako dahil naiinip na ako & para hindi ko na mapansin ang init. Niyaya ako ng mga kaklase ko sa lilim. Aba! May libreng juice & KFC Chicken Fillet sandwich. Nagsimula na ang mass brushing. "101, 102, 103, 104, 105, 106, 107, 108, 109, 110. . .spit!" Paulit-ulit 'yon. Nang matapos ang mass brushing, inihagis ng mga bata ang red caps nila. Kawawang mga bata, ginamit lang ng mga matatanda para sa kalokohan ng huli. Isang taga-DLA ang kumuha ng attendance - isinulat sa maliit na notebook. Lumipat ako sa taas kung saan mas malilim. Nakita ko sina Justin doon. Umupo ako sa hagdan. Malamig doon pero mabaho. Ang daming pa-epek ng PDA. May heli-helicopter pang nalalaman - pinangwalis lang naman yata ng confetti sa kalye (nahawi ang confetti habang bumababa ang helicopter). Mayroon ding mga taga-Air Force na bumababang naka-parachute. Nakita ko si Wilmer sa tabi ng tent. Sasama raw si Fatima sa cheering squad. Umuwi ako nang mga alas-10 o alas-10:30. Ang init sa kotse. Doon ko na kinain 'yung chicken fillet sandwich. Hah! May mga litid. May litid? Oo, pero ok lang. At least may nakain.

Z is for Zygote
1/29/06 Pinagsabay ang celebration ng birthday naming mag-lola. January 27 ang birthday niya. Ako, sa February 1. Nagluto (ang tatay ko?) ng puting bihon . Naglasang gulay 'yung pansit dahil sa mga sahog: repolyo, carrots, chicharo, (& manok?). Nagdala ang tita ko ng puto & Coffee Rush Ice Cream. Happy na ang mga bulate ko!
2/01/06 Birthday ko ngayon pero hindi ko masyadong na-feel. Nagluto ako ng Curly Spaghetti, to treat myself. May test kami sa Political Science. Wala akong maisagot dahil -as usual- tinamad akong mag-aral, pero hindi naman ako nangopya. Walang reklamo sa journal ko sa Health Care 2. Bumili ng pansit ang tatay ko nung hapon. Niregaluhan ako ni Kristina ng violet na Blue Spirit Pillow na may nakasulat na You're the Greatest. Maraming salamat sa kaisa-isahang regalong natanggap ko mula sa isang kaklase sa DLB. ^_^ Maraming salamat sa lahat ng bumati sa akin ng Happy Birthday. Actually, batiin lang ako ng happy birthday ng mga tao, masaya na 'ko.
Z is for Zany
1/31/07 Computer. Itinuro sa amin ang paggamit ng tabs sa Microsoft Word. Nakakainis gamitin 'yung tabs dahil kada gagamitin mo, kailangan mong i-set. Paulit-ulit 'yon. Nakakapurga! Hindi ko tuloy natapos 'yung isang exercise sa tabs.
Health Ethics. 5th floor counter. Iniaabot ko 'yung tag number sa isang babae sa counter para i-log-out ako. Aba! Dinedma ako! Hindi man lang sinabi na sa kabila pala 'yung out. Impakta ka! Ayaw na ayaw ko 'yung pinagmumukha akong tanga!

Z is for Zurprise! (Surprise)
2/03/06 Kinausap ako ni Prof. Padua. Akala ko hindi ko siya makakausap ever.

Z is for Zoom Lens
02/03 - 02/04
Karen Ann Quinlan: Shooting Day 1
Z is for Zap
1/30/06 May bagong address ang Yume ni Notte. Sa wakas, na-request ko na rin ang Sotto Chikau Shunkan.

Z is Ziov (Voice)
2/2/06 At long last, na-request ko na sa tomodachigaeru.cjb.net ang Let's Get Together Now. Hindi nga lang 'yung version ng Voices of Korea & Japan, kundi ng Chemistry. Ok lang.
~~Blessings~~
1/29/06 nanganak ang aso naming si Faith (Pete), KFC Chicken Fillet sandwich
~~Dialog Distance~~
Nahipo ng pari ang legs ng madre
MADRE: Father, PSALM 129
PARI: Sori!
Pag-uwi, hinanap sa Bible and PSALM 129
GO HIGHER AND FIND GLORY
PARI: Shit, sayang!

Y

January 22 - 28, 2006

Y is for Yeah!
1/23/06 May malaking gold-coated na pardible si Hanna, mga kulang-kulang isang dangkal pero hindi pointed.
1/23/06 Bagong gupit si Rodel.
January 22 - 28, 2006
Y is for Yeah!
1/23/06 May malaking gold-coated na pardible si Hanna, mga kulang-kulang isang dangkal pero hindi pointed.
1/23/06 Bagong gupit si Rodel.

Y is for Yao
1/24/06 Ibinalita sa radyo na namatay na si Ernie Baron dahil inatake ito sa puso. Vaya con Dios.

Y is for Yang-sa (Sayang)
1/22/06 Nadiskubre ko ang Toonami Arsenal sa tulong ng isang e-mail galing sa isang Yahoo Group. May mga opening & ending videos ng anime doon. Sa kagustuhan kong makapag-download ng video, hinayaan kong nakabukas ang computer ko habang nagda-download. Naputol naman ang downloading. Na-download ko nga ang Taiyou ga Mata Kagayaku Toki, sira naman.

~~Dialog Distance~~
AMO: Inday gamitin mo 'tong chalk pamatay ng ipis. Sulat mo sa pader.
MAID: Yes ati…
Nang sumunod na araw, nagulat ang amo.
Nakasulat sa pader: “EPES MAMATAY KAYUNG LAHAT! SYET!”

Monday, November 17, 2008

X

January 15 - 21, 2006

X is for XP
1/17/06 Nagpagupit ako ng buhok sa tatay ko. Rush. Mga 7 ng umaga. Gusto ko kasing makatipid sa shampoo & tubig. As usual, hindi pantay. Nahuhulog 'yung iba kapag itinatali ko. Ok. lang. Nakatali naman, e. Hindi na mapapansin kung hindi pantay. Aso kasi ang ginugupitan ng tatay ko - hindi tao.


X is for XP Moment
1/18/06 Philosophy. All of a sudden, naging gradeschoolers kami. Pinag-group reading kami ni Mr. Matias (pinagbasa ang buong klase ng saby-sabay). Ewan ko ba. Puro walang kwenta pa 'yung mga pinababasa sa amin. "yung mga objectives ba ng lesson na nandun sa module.


X is for X (Warning?)
1/18/06 Naka-mask si Prof. Carian. Sabi niya, 'wag daw kaming matakot dahil wala naman siyang SARS. Namaga ang upper lip niya dahil tinusok niya ang chancre sa ilalim non.


X is for X-treme Angas Kid
1/15/06

~~Picture-istic~~
Chibi Kisame. Minsan lang 'to maging cute, e. Kudos to Tippie.


W

January 8 - 14, 2006

W is for Wow
1/9/06 First time kong gumamit ng Microsoft Excel. Astig! Ang laki pala ng tulong nun sa mga tao.
W is for Weird
1/10/06 Ang weird talaga manood ng mga matatanda ng anime. Lahat na lang pinapansin. O, bakit ganun? Galing! Ang lalim ng tagalog! Pa'no 'yon? Ano ba naman sila? Wala namang imposible sa anime. Pinapangunahan pa 'yung mga characters. Ang ingay nilang manood. Lahat ng galaw, may comment. Nagkukwento kahit hindi mo tinatanong. Kaya mga matatanda, 'wag na kayong magtaka kung bakit ayaw naming may kasamang matanda kapag nanonood ng Tv. Ayaw nami ng istorbo. Katulad lang din kapag nanonood kayo ng porno.

W is for Wander
1/14/06 Nagpunta ako kina Tippie para isauli ang mga hiniram kong cds. Ibinigay ko rin 'yung Gaara keychain na nabili ko. Ibinalik na niya 'yung librong Ang Paboritong Libro ni Hudas. Ibinigay na rin niya 'yung sagot niya sa improvised autograph ko. Nagtagal ako doon hanggang alas-6. Pumunta ako sa Lotus para bumili ng Dvine Luv & Teacher's Pet (hentai). Pumunta ako kina Jameelah. May listahan daw kasi siya ng anime vcds. Kagagaling lang niya sa eskwelahan. May bago na siyang celfone, Bird. Pinag-ipunan daw niya 'yon. Naikwento ni Kim Paula na na-snatch-an ng bag si Jameelah. Akala ko masaya ang buhay niya sa Manila Doctors, hindi rin pala. May kaklase daw siyang malandi, gaya-gaya & epal. Matutuwa ka ba kung sabihan kang "slut"? Nabibilib nga raw siya sa akin dahil nasasabi ko ang mga saloobin ko. Hindi ko nga akalain na may maiingit sa akin, e. Lagi rin siyang ikinukumpara ng nanay niya sa iba niyang kaklase. Kung anak ko si Jameelah, e matutuwa na ako. Bakit ganoon ang mga nanay? Wala na ba silang magawa sa buhay kundi ikumpara ang anak nila sa iba? Nag-anak-anak pa sila, e sa iba pala nila mahahanap 'yung gusto nilang mga katangian ng isang anak. E di, 'yung pinagkukumparahan nilang bata ang kunin nilang anak. Hindi ba nila alam na nakakasakit sila ng damdamin? Kailna ba talaga maiintindihan ng mga magulang ang ibig sabihin ng "individual differences"? Anyways, binigyan ako ni Jameelah ng 3 cds: 1 audio, 1 yaoi, & 1 hentai (Night Shift Nurses Chapter 5). Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng pakiramdam ko nung pauwi ako galing sa kanila. Bigla ko tuloy naideklara ang sarili kong "extraordinary".
~~Blessings~~
1/13/06 cds galing kay Jameelah
~~Ha-quote~~
Cashier: Dine-in or Take-out?
Customer: Dine-in, Pakibalot.

Tuesday, October 21, 2008

V

January 1 - 7, 2006
V is for Very Bad
1/01/06 New Year. Lasing ang tatay ko. Sabi n'ya sa amin ng nanay ko, magbagongbuhay na raw kami. Sabi ng nanay ko, masbagongbuhay rin daw ang tatay ko. Aba! Tang ina! Nag-inarte. Wala raw siyang dapat baguhin. Kami raw itong laging late. Sabi ng nanay ko, nagbibiro lang daw siya. Sabi ng tatay ko, wala raw biru-biro. Ok, fine. Ngayong taon daw, 'pag hindi nakasakay ang nanay ko nang alas sais, mamasahe na raw kami. Bakit kasama ako? Kasalanan ko bang nale-late ako? Tang ina mo! Minsan talaga gusto kitang itakwil. Tama 'yan. Bagong taon, galit na agad ako. Hayup!

V is for Vopols (Bopols)
1/03/06 Original ang ibang DVD na nahiram ko kay Donna. Dalawa ang audio: japanese & english. Ok naman ang dubbing ng Madman, pero hindi ko nagustuhan. Nakakatawa 'yung Outtakes. Nung una, hindi ko pinansin dahil hindi ko maintindihan kung ano 'yung outtakes. Bloopers pala ng english dubbing. Kasi, pinapahirapan pa ang sarili. Mayroon ding trailers ng ibang anime, commercials, & character designs 'yung ibang original na DVD. Astig din 'yung Appare Genki.

V is for Variety
1/04/05 Bagong gupit na naman si Marvin, pangalawang beses na ngayong 2nd sem. Nung 11/30/05 nagpagupit na siya, Shinobu Maehara style.

V is for Very Good
1/04/06 99 ang grade ko sa Health Care 2. Marami kasing additional points, e. Hindi kumpleto 'yung barangay profile ko pero binigyan n'ya ako ng 100 doon. Kasunod ko sa ranggo si Gaile, & 1 din ang equivalent ng grade niya.
1/06/06 92 ang grade ko sa Statistics.

V is for Vain (All in Vain)
1/05/06 "Sulong laban, 'wag uurong..." Oras na para malaman kung aling experiment sa genetics ang accepted o rejected. Para sa mga uulit ng 2 o mahigit pang experiments, ito raw ang theme song nila. Umulit ako ng Test Cross. Walang susuko sa pag-ulit & pagdidikit!

V is for Very Odd
1/06/06 Ibinalik sa akin ang prelim exam ko sa Philosophy. May part ng papel na isinulat ko ang alphabet. May remarks. Ibinox ng prof ko ang alphabet & may sulat na ganito: kodigo i2? Sabihin n'yo nga sa akin, kailan pa naging kodigo ang alphabet? Isinusulat ko 'yon kapag hindi ko alam ang sagot. Iisa-isahin ko ang mga letters ng alphabet para mahulaan ang sagot.

V is for View
1/07/06 Napanood ko na 'yung To Heart. Bad trip nga lang dahil pumipitik 'yung episode 5, ayaw ma-play 'yung episodes 7-8, & bitin ang kwento. Na-in-love din pala si Shiho kay Hiroyuki, ayaw lang niya aminin. Alam ko may part 2 pa, pero hindi na yata sila 'yung characters. Mahal na talaga ni Akari si Hiroyuki, 1st episode pa lang. Sa tingin ko, mahal din siya ni Hiroyuki. Ang swerte ng lalaking 'yon. Parang lahat ng female characters, nakakasundo niya. At maraming nagkakagusto sa kanya. Hindi naman siya cute. Mas cute pa nga si Masashi, e.

V is for Vac (Cab)
1/7/06 Nakakita ako ng taxi na Fish-a-holic ang pangalan.

V is for Vakstrit (Bakstreet Boys)
1/07/06 Gusto ko sanang manood ng concert ng Backstreet Boys, kaso wala akong datung pambili ng ticket, e. T_T

V is for Vangayan (Bangayan)
Cauliflower Argument. Maraming cauliflower sa bahay. Gusto ng tatay ko na iluto 'yung cauliflower nang walang halong ibang gulay. Gusto naman ng nanay ko na iluto 'yung cauliflower na may kahalong ibang gulay dahil hindi 'yon masarap kapag 'pag wala 'yong kahalo. Ayun. Away na.

~~Blessings~~

1/5/06 soccerball squeeze toy

1/6/06 blair bitch book, gaara keychain

~~Picture-istic~~
Love Hina: nire-wrestling ng brutal na batang si Sarah ang lampayatot na si Keitaro. Si Seta ang kunsintidor na referee.


U

December 25 - 31, 2005
U is for Una, Unan, Une
12/28 - 12/29/05 Kaya mo na 'tol
U is for Usotsuki (Liar)
12/29/05 Oprah. Pathological Liar ang topic nila. Si Lisa ay isang pahtological liar. Lahat ng bagay ay ipinagsisinungaling niya, mula sa buhay niya hanggang sa pagkaing ihahain niya. Minsan, tumawag siya sa kaibigan niya. Nag-overdose daw siya ng gamot. Alalang-alala 'yung kaibigan niya kaya pinuntahan agad siya nito sa bahay nila. Pagdating niya, nagre-relax lang si Lisa. Nanonood yata ng TV. Minsang nagkasakit ang anak niya, sinabi niya sa mga kakilala na may cancer ito. Ipina-spinal tap (pagkuha ng cerebrospinal fluid sa pagitan ng vertebrae) niya ito. Sabi ni Oprah, "Hindi mo ba alam kung gaano ka-delikado ipa-spinal tap ang anak mo?" Maaari kasing ma-paralyze ang isang taong dumadaan sa spinal tap kung mali ang paggawa nito. Galit na galit ang mga kaibigan niya sa kanya. Lagi niyang inaabala ang mga ito sa mga kasinungalingan niya. Nasayang ang pag-aalala & oras nila dahil niloloko lang sila ni Lisa.

U is for Umalis
12/29-30/05 Namatay na 'yung 2 naming kuting. Hindi man lang sila tumagal nang isang linggo ang buhay nila sa amin. Sa sobrang bilis nang pagkamatay nila, hindi ko na sila nabigyan ng pangalan. Namatay si San Chai, Jr. noong December 29. Namatay naman si Monami (parang 'yung orange & cream candy na Monami ang kulay niya) noong December 30.

T

December 18 - 24, 2005
T is for Thank You
12/18/05 Nag-thank you sa akin 'yung cahier sa National Bookstore dahil nagbayad ako ng sakto sa binili ko. Wala pa raw kasi silang panukli.Nagkita kami ni Joper sa SM Bacoor. Usap konti. Hindi pa rin naman siya nagbabago. Mapanlait pa rin. Katulong pa rin ang tawag niya kay Ederlie. Asar pa rin siya kina Echina & Joanna. Pumayat siya. Sana pumayat na rin ako para maisuot ko na 'yung mga dati kong damit.
T is for Tuka
Tinuka ng pulang sisiw ang ring toenail ko. Lagi siyang gising 'pag gabi. Taga-simot siya ng mga tirang pagkain sa backyard namin. Pinangalanan siya ng nanay ko na Johnny Redchick (Johnny dahil tagalinis siya ng mga platong may tirang kanin - janitor). Isa siya sa mga sisiw na napanalunan sa bunutan nung piyesta sa 'min. Red ang joe bush na ikinulay sa kanya. Pumuti na siya. Isang araw, nawala na siya. T_T
T is for Trip
12/24-25/06 Nagbalat akong saging para sa mga langaw ko. 'Yung kalahati ng isang balat, parang bangka. Gustong itapon ng nanay ko 'yung balat kaya hinugasan & itinago ko kahit nilagyan n'ya na ng buto ng kamatis. Kumuha ako ng cartridge & case ng Panda ballpen & itinuloy ko na ang balak ko. Gumawa ako ng banana boat. Inilagay ko sa batyang may tubig ang banana boat & lumutang naman siya. Ivinedio ko ang paglutang ng banana boat. Sayang & hindi umabot sa debut ni Tippie. Ivinedio ko rin ang sibuyas na may flat side. Kakaiba, e.
Alas-2 na ng madaling-araw, gising pa ako. Nagugutom ako kaya nagluto ako ng Curly Spaghetti.

S

December 11 - 17, 2005
S is for Score

12/14/05 100 ako sa Statistics. Salamat sa 5 bonus questions / points.

S is for Scavenger Hunt
12/14/06 Christmas party sa Health Care 2. Hindi ako interesado sa mga party kaya wala akong masyadong masasabi. Hayun, may games. Scavenger Hunt. Hahanapin mo 'yung mga nasa listahan. Panalo ang grupong makakakumpleto ng mga nakalista.
Eto ang listahan ng mga hahanapin:
SKAVENGER HANT
1. trash can
2. contact lens
3. white hair
4. dry leaf
5. pretty woman dancing
6. colored socks (banal black & white daw!)
7. stocks ng ebony
8. 3 scientific calculator
9. foreign student who can say this: pasko paksiw (10x)
10. plain white t-shirt (hindi nakasuot)
'Yung isang game, maglalagay ka ng tali sa baywang tapos sa kabilang dulo, itatali mo 'yung talong & hahayaan mo itong sumayad sa sahig. Gagamitin mo 'yung talong para iusog 'yung tansan sa sahig.
Masaya.
Expenses
P80 ang siningil para sa pagkain. KFC - rice, chicken, softdrink. P20 ang siningil ni Camille para sa papremyo sa game. P50 ang napagkasunduang presyo ng exchange gift.
Exchange Gift
May codename ang makaka-exchange gift mo. Hulaan mo ang codename ko. Bumbunang Umiilaw na May Langaw sa Ibabaw. Ayos ba? Mahaba rin ang codename na nabunot ko: The Man Who Made the Day Blue. Si Fatima pala 'yon. Oo nga pala, blue ang paborito niyang kulay. Binigyan n'ya ako ng blue na body scrub & lotion. I wonder why. Dinaya ko ang amount ng regalo. P35 lang ang presyo ng binili kong plastic box na may hawakan. Nilagyan ko lang ng 10 Vic Pie: 5 strawberry, 5 grapes. Naasar ako sa natanggap kong regalo. Napaka-cheap & babasaging pen holder. Crude ang pagkakagawa. Hindi patag 'yung loob. Pangit ang design. Basta pangit. Gusto ko sanang iregalo sa iba kaya lang baka hindi rin nila ma-appreciate & maasar din sila.

S is for So lamig
12/15/05 Hindi yata ako tatagal sa lugar na may snow. Tiklop na ako sa aircon, e. Napakalamig dito sa ED 311. Halos manigas ako sa lamig habang nag-e-exam. Ang hirap mag-isip kapag nilalamig ka. Bumabagal daw kasi ang pag-iisip kapag nasa tapat ka ng aircon dahil nafi-freeze ang tubig sa utak. Lalo na kung tubig lang ang laman ng utak mo. ^^; Joke lang!

S is for Shadow
12/16/05 Christmas Party ng mga prfo sa CAS. May ice cream na 3 flavors sa isang lalagyan: chocolate, ube & strawberry. Para kasing eyeshadow. Sabi ko, eyeshadow ice cream.

S is for Surprise
12/17/05 Pumunta ako sa Lotus para bumili ng vcd ng Getbackers. Wala na doon 'yung Anime Explorer. Sayang! Maganda pa naman ang quality ng vcds nila. Nagtanong ako sa tinderang nasa dating pwesto ng Anime Explorer kung meron silang series ng Getbackers. Dvd lang daw. Nakita ko 'yung 2 dvds (nasa unang dvd ang episodes 1-25, sa pangalawa 'yung 26-49). Hindi ako makapaniwalang magkakasya ang 25 episodes sa loob ng isang dvd. Kinuha ko na. P180 (P90/dvd). Bago ko makita 'yung dvd ng Getbackers, nadadamihan na ako sa 8 episodes per dvd. Mas malakas 'yung menu music kaysa sa episode audio. Hindi ko na ibinalik tutal hindi naman sira.

~~Blessings~~
12/14/05 100 sa Statistics, Health Care 2 Christmas Party (KFC 1 pc chicken & rice)
12/16/05 ice cream
12/17/05 Getbackers DVD

~~Ha-quote~~

Nakasulat sa label ng isang permanent marker:

can all use on the wood, paper & glass, metal, plastic products

shake violintly or drop will make ink leak

R

December 4 - 10, 2005
R is for Red Cabbage
12/04/05 Nainip ako sa paghihintay ko sa mga magulang ko kaya namasyal muna ako sa SM Supermarket. Napagtripan kong pakialaman ang mga gulay. Meron palang red cabbage (actually, red violet). Parang katulad lang nung green na repolyo, naiba lang ang kulay & saka mas mahal. Nakakita rin ako ng kimchi. Nasa tomato sauce (?) pala 'yon. Akala ko e tulad lang 'yon ng repolyong iginigisa ng lola ko. Meron din palang itinitindang peeled garlic. 739 ang nakuha kong package counter tag, na nagkataong last 3 digits ng celfone number ko.
Happy Birthday, Joper!
R is for Rorret (Terror)
12/5/05 Hmmm. Walang issue ngayon sa faculty room. Wala na ring meeting. Hindi ko na rin naririnig ang boses ni Mr. Co Po sa faculty room. Wala bang mapag-uusapan? Pagdating ng tanghali, nagka-issue na. Nakita raw ng isang estudyante si Prof. Yap na walang ulo nang mapadaan ito sa CR kung saan nandoon 'yung prof. Umiiyak daw 'yung estudyante nang kausapin nito 'yung prof. Binigyan pa nga raw siya ng rosaryo. Nakita rin daw ni Prof. Baylon na wala itong ulo. Masamang panitain daw ang makita ka ng iba na wala kang ulo. Parang mamamatay ka isa sa mga araw na 'to. Napapaiyak nga 'yung tao tuwing ikinukwento niya 'yon. Ipinabaon ng mga co-teachers niya ang lahat ng suot niya sa araw na 'yon. Nang ipatawas daw siya, wala rin daw ulo 'yung figure. Sabi nila, may estudyante raw na nagtatangka sa buhay niya. Hay naku! Bakit ko ba naisip 'yang issue-issue na 'yan. S-careful what you wish for.
R is for Real
12/07/05 Totoo palang may anak na si Claire. Hindi ka kasi dapat maniwala agad sa chismis. Sabi kasi ni Prof. Adriatico, ipinakita raw sa kanya ni Claire 'yung picture ng baby. Namamangha ako sa mga teenagers na may anak na. Iba, e. Kasi kung ako ang magkakaanak (kahit yata sa buong lifetime ko) ngayong teenager pa lang ako, hindi ko maaalagaan 'yung bata. Hindi ko nga alam alagaan ang sarili ko, 'yung bata pa kaya.
R is for Rewind
12/08/05 Girly ang hairdo ni Dr. dela Cruz. 'Yun bang 1/4 lang ng buhok ang nakatali. Actually, pareho kami ng hairdo nang araw na 'yon.

Q

December 4, 2005
Q is for Queer
12/01/05 Nagdudumilat na zero. 'Yan ang score ko sa practicals namin sa meiosis. May kanta na nga ako, e. Salamat kay Jan Gringo Onate (onyate), sa pagkanta niya ng 12 Days of Christmas.
Ganito: On the 1st day of December, professor said to me "zero ka sa meiosis".
Tinanong niya ako after class. Bakit daw hindi ako nagsalita. Sabi ko, mental block. Hindi naman ako nag-iisa. Marami ring na-zero. Misery loves company.

Naglolokohan kami ng mga kaklase ko. Nagpaka-tibo ako. Kinulit ko si Kristina, kunwari sasayaw kami ng cotillon. Niyakap ako ni Gaile. Sabi ko, "may sakit ka ba?" Lumapit ako kay Clarissa. Dun naman ako nanggulo. Yakap-yakap. Haplos sa pisngi. Parang PDA, joking style. Tingin nga si Yasmin, e. Sabi ko, pwede rin ako sa lalaki. Mukha naman ni Anthony (a.k.a. Hotsos) ang hinawakan ko. Oi! AC-DC. Mwehehe! Sabi ko, wala na sa UE si Fafa Jeff (former classmate sa DJC). Kailangan kong humanap ng kapalit niya. Dalawa kasi sila dati: si Marvin & si Jeff. Kaklase ko ngayon si Marvin. Sabi ko, si Anthony na lang ang ipapalit ko. (Naaalala ko si Franzen kapag nakikita ko si Anthony. I wonder why.) Sabi ni Clarissa kay Anthony, ako na lang daw ang jowain n'ya para hindi na siya ma-busted. Crush daw nito si R.A. Akala ko si Ombrog. Hindi nga pala R.A. ang initials nu'n. Rose Ann Ingaran pala. Ewan ko kung bakit maluha-luha ang kumag. Nanghingi pa nga ng tissue. Ganun daw talaga ang mata niya. Sabi ko, wala naman siyang lagnat. Kasi glassy-eyed ang taong may lagnat. Kinausap ako ni Carlyn (ewan ko kung tama 'yung spelling). Nakaka-relate siya sa akin. Ang tahimik ko raw. Sabi ko, hindi. Hindi lang ako nakikipag-usap sa mga taong 'di ko feel kausapin. Madalas kasi nila akong balewalain kapag nagsasalita ako. May kaibigan daw siyang ganoon. Gustong napapag-isa. Salamat sa Diyos. Nadagdagan ang mga taong nakakaintindi sa akin.

11/30/05 Pumunta ako sa CD-R King. As usual, magsasalita lang ako kapag napansin na ako ng tindera. May mga sumingit sa akin. Ok lang, hindi naman ako nagmamadali. Ako ang naging last customer. Bibili lang naman ako ng spindle. Sinarahan na ako ng mga rolling door ('yung maingay na nanggagaling sa taas) para wala nang sumunod pa sa akin. Isinara hanggang binti na lang ng tindera ang nakikita ko. Ang saya!

This week. May billboard si Jennylyn Mercado sa Longos. Tungkol 'yon sa mga mapapala sa Starmall, ang title ay Stay Awhile. Malaki. At may realistic na nipple. Realistic? Nipple? Oo. May patusok na bakal kasi sa kabitan ng billboard & nasakto pa sa boobs. Kaso isa lang 'yung patusok na bakal. Kahit nga nanay ko, napansin 'yon.

Q is for Query
11/30/05 Last day ni Mr. Ang sa DLB. Sayang! Magaling pa naman siyang magturo. Siya na kasi ang head ng Math Department. Kung may igi-give up daw siyang section, kami 'yon. (si Mrs. Gano ang pumalit)

11/30/05 Pumunta ako sa library para hanapin 'yung libro sa Political Science. Circulation. Ayaw gumana ng OPAC. 4th floor, ayaw din. Nakita ko si Vanessa Zapanta. Akala ko, hindi ko na siya makikita ulit. Matagal na rin kasi. Buti na lang, alam ko kung saan hahanapin ang librong 'yon. Nakahiram din ako. I therefore conclude na sa araw na ito, may topak ang OPAC.

12/1/05 Iba na ang teacher namin sa computer. Maarte. Ingles nang ingles & feeling maganda, gusot naman ang palda. Hindi ko akalain na mami-miss ko si Mr. Velayo. Nung una, nakakatakot & maangas siya. Hindi naman pala. Sayang! Masaya pa naman ang klase nung siya pa ang teacher. Bakit 'yung magagaling pang teacher ang pinapalitan. Bakit hindi na lang 'yung prof sa Philosophy, Genetics, o Health Care 2 'yung palitan? Bakit 'yung mga magaling pa ang umaalis? Kailangan namin ng teacher na nagtuturo & hindi atat ngayon. Ga-graduate na kami. Kailangan namin ng mataas na grades & mga bagay na matututunan.

Q is for Q-litan
12/02/05 Daldalan na naman with Joachim. 'Di ko akalaing may nagtitiyagang makipag-usap sa akin. Ano kayang napapala niya sa pakikipag-usap sa akin? Hinihintay raw niya ako. Pwe! 'Yung kalaro raw niya noon, nakita niyang dumudumi, frog-style. 'Yung nakatungtong sa toilet bowl. Sabi ko, tama ba namang mag-barge in? May bago raw siyang nililigawan. Jennilou yata. Napag-usapan din namin si Gaile. Alam din pala niya 'yung tungkol sa suicide attempt nito. Kinalaban daw ito ng buong klase & si Rana (ranya) lang daw ang kumampi rito. Nung dumaan daw siya (Joachim) & 'yung jowa niya sa harap ni Gaile, tinext daw siya ng "pinagseselos mo ba ako?" Ewan ko kung sinong nagsasabi ng totoo. Nagpabango siya bago umalis. Sabi ko, "gayuma 'yan, 'no? Nung bumalik siya para kunin 'yung gamit niya, tinanong ko kung naglaplapan sila (sorry for the term. nang-aasar kasi ako.). At kati lang 'yun, kaya naghahanap siya ng jowa. Hindi raw. Nanliligaw pa lang daw siya. Inaalok ko siya ng pagkain ng pusa. Nagugutom na raw kasi siya. Naalala ko tuloy 'yung pang-aasar namin ni Mr. Madeja sa kanya. Ewan ko ba kung bakit ko hinawakan ang kamay niya. Basa.
Me: Ba't pasmado ang kamay mo? May ginawa ka kagabi, no?
Joachim: Bakit? Ano bang ginawa ko?
Mr. Madeja: Bakit kami ang tinatanong mo? E, ikaw ang gumawa.
Sumakit ang tiyan ko sa katatawa sa paulit-ulit na tanungan tungkol sa ginawa niya. Wala naman akong sinabing nag-ano siya. Sabi ko lang, may ginawa siya. Natural, 'di ko alam 'yon.

P.S. Hmmm. Iba yata ang aura ni Rachelle. Hindi na siya kasing-angas tulad nung nasa DKA pa kami.

P

December 4, 2005
P is for Pahiram po, pwede?
11/22/05 Hindi ipinahiram ni Dr. dela Cruz 'yung The 8th Day. Hiniram lang daw niya 'yon. Kung mawawala raw kasi 'yon, wala raw siyang ipapalit. Naiintindihan ko naman. May mga panahon ding ayaw kong magpahiram dahil baka masira 'yung ipinahiram ko o hindi na 'yon makabalik. Pumunta raw ako sa Video 48 sa West Avenue. Quest na naman ito.

P is for Paglipad
11/23/05 Ipinakita ko kay Gerald 'yung mga langaw ko nang mahila ko 'yung takip ng P1 ebony ko. Lumipad palabas 'yung mga langaw. Hindi ko naman sinasadya, e. T_T
P is for Play
11/23/05 Nakasalubong ko si Wowie de Guzman sa hagdan. May play kasi bukas. R'meo luvs Dewlhiett.
P is for Play - granted
11/24/05 Nakanood din ako ng play, 'di ko nga lang naumpisahan. Ok siya, nakakatawa. May mga salitang-bakla & salitang-kanto, pero rhyming.
P is for Pall
11/23/05 Philosophy. Tumabi sa akin si Rodel Castillo. As usual, "pasulat naman po ng buong pangalan - hayaan mo, hindi kita kukulamin". Pinasulat n'ya rin ang pangalan ko. Na-curious sina Pitchie & Kristina sa taong ito dahil hindi naka-uniform. Teacher o observer daw ba ito? Sabi ko, isulat nila sa papel 'yung mga gusto nilang itanong sa katabi ko. Discussion ng Wisdom ni Alfred Whitehead. Sabi ng kaklase ko, blackhead daw. Pinabasa 'yung mga kaklase ko nung article. Any opinions? Nag-react si Rodel. Nag-ingles. Mahaba kahit medyo redundant. All eyes on him. Napasulat ako sa notebook ng dumbfounded. Tameme si Mr. Matias. Hindi na niya dinugtungan ang sinabi ni seatmate. Siguro, hindi naintindihan. Sabi ko, for comic relief - eto ang eksena sa loob-loob ni Sir: Jaw drop. Gamit ang dalawang kamay, iniangat o ibinalik niya ang nahulog na panga sa pagkakasara o dating posisyon nito (closed mouth). Kahit ako, namangha kay seatmate. Napa-cross sign pa nga ako at nasabing halimaw siya. Akala ko, pangkaraniwang estudyante lang siya. Sabi niya, dati raw siyang teacher ng Criminology somewhere & major siya ngayon ng Political Science. 'Yung mga law raw, hindi nagsusuot ng uniform.
P is for Patay
11/23/05 Nilanggam 'yung old stock ko ng mga langaw. Isinabit ko na nga, nilanggam pa.
11/23/05 Gabi. Roxas Boulevard, malapit sa Uniwide. Namatay ang engine ng kotse. Ayaw mag-start. Hazard light. Sabi ng nanay ko, tumulong daw ako sa pagtutulak. Lalabas na sana ako nang pagmumurahin ako ng tatay kong nagpa-panic. Baka raw matangay ang pinto namin. Magtulak raw ako, e. Sumusunod lang ako. E di, hindi na ako tumulong. Tulak papuntang tabi ng pink fence. Sabi ng pulis, 'dun daw kami sa may ilaw para makita kung anong problema. Bukas lang pala ang aircon. In-off. "yun, umandar na. Mahirap ding ma-tow, no? Magbabayad pa kami ng P1,500.
P is for Physical Exam
11/23/05 Nag-panic ako nang malaman kong kailangan na naman ng physical exam. Na-trauma na kasi ako sa CBC. Nung kunan kasi ako nito nung freshman pa lang ako, 2 beses akong pinrick. At 'yung lancet nila, 'yung nakabalot sa papel. Kinunan ng dugo 'yung kanang ring finger ko pero nag-clot agad kaya kumuha na naman sa kanang kamay. Ewan ko ba - hindi naman yata kailangang punuin ang capillary tube. Maanomalya ang physical exam na'yon. Makinig - este - magbasa. First stop, general check-up. Blood pressure. Hinila ko 'yung cuff. Sabi ko sa doktor, maluwag. Aba, hinila lang pabalik & kinunan na ako ng bp. Sabi sa amin, kailangang tama ang higpit ng cuff sa braso para maging accurate ang measurement. 'Yung mga kaklase ko, nagkumpulan sa cubicle 1. Hmmm, something's fishy. May hitsura kasi 'yung semi-kalbong lalaking - doktor? Nakikipag-chikahan pa sa kanila. In fairness, mas katiwa-tiwala ang huli dahil sinisipat niya 'yung mata & lalamunan. Bakit daw tinitingnan 'yung lalamunan? Ang naalala ko e 'yung huli niyang dahilan - baka raw may buhok. Buhok? Sabi ko kay Jaja, "alam mo na 'yon!" Ano bang mayroon sa cubicle 2? Ganun din daw + breast examination. Breast exam? 'Yoko nga. Hindi ako pumasok doon. Sabi ng iba, bra lang daw dapat ang pantaas mo doon. May nagsabi sa akin na ipinaaangat daw 'yung bra. Bumalik pa 'yung mga kaklase ko para magpaalam kay semi-kalbo. Next stop, CBC. Wah! Hindi masakit dahil maliit lang 'yung lancet & parang thumbtack lang. Sinabayan na rin ng culture tube para sa urine sample. Natanggap ko ang culture tube around 4:30 to 5 pm. Hulaan n'yo kung ano'ng oras ako na-weewee. 10 pm. Hindi nila tinatakpan 'yung culture tubes. Mako-contaminate 'yung mga urine samples. Last stop, X-ray. Tinanong ko sa mga kaklase ko kung nakakabaog ba 'yon. Gusto ko kasing mabaog. Bakit daw? Dahil masyado nang malaki ang populasyon. Sabi raw ni Jesus Christ, humayo & magpakarami. Naisip ko, God the Father ang nagsabi noon. Sabi ko, kailangan lang magpaka-praktikal sa panahon ngayon. Nang iaabot ko na 'yung permit para sa X-ray 'dun sa operator, inaway ako. Uha! Uha! Uha! "Mamaya na 'yan, may nakapila pa." Hmp! Kukunin lang 'yung papel, e. Wala nang thrill 'yung x-ray exam ngayon. Hindi na pinaghuhubad ng blouse. Pinapabukas na lang & papahawakan sa 'yo yung magkabilang gilid. Dati kasi, pinagsusuot pa ng green vest. Tapos may kakatok sa pinto na atat kang makita, kahit nagbibihis ka pa. 'Yun ang thrill. Ang gusto ko lang sa physical exam e 'yung pagpasok sa mobile x-ray vehicle. Cute, parang mini-office.

~~Blessings~~
11/23/05 talk with daryl (sa physical exam)

~~Dialog Distance~~
Gabi. Sa beach. Sa terrace ng cottage. Nakatayo si Yasume & nakatingin sa langit. Lumabas si Amiran.
A: Ba't 'di ka pa natutulog?
Y: Nag-ii-stargaze kasi ako. Ikaw, ba't gising ka pa?
A: Hindi kasi ako makatulog, e. Tinabihan ng dalaga si Yasume.
Y: Ran, may nagbago ba sa akin?
A: Sa tingin ko, nag-mature ka na. Hindi mo na kasi ako masyadong inaasar, e.
Y: Salamat.
A: Para saan?
Y: (tumingin sa malayo) Binago mo ang buhay ko. Tinutukso nga kita, pero ang totoo no'n - gusto talaga kita. Masaya ako kapag naaasar kita, kasi napapansin mo 'ko. Matagal ka nang may lugar sa puso ko.
A: (tumingin sa binata)
Nilingon siya ng binata. Nginitian niya ito.
Katahimikan.
Maya-maya'y naisipan na ng dalaga na matulog. Nagpaalam na ito kay Yasume. Naglalakad na ito paalis nang magsalita ang binata.
Y: Mahal kita, Amiran.
Sandaling natigilan ang dalaga, ngunit nagpatuloy rin sa paglalakad.Napaisip siya kung tama nga ba ang narinig niya.

O

November 28, 2005
O is for Over
11/15/05 Late na naman ako for the nth time. For the first time, tatay ko ang may kasalanan. Hayun, nag-away tuloy ang nanay & tatay ko.
Tatay: Bakit ba hindi masolusyunan 'yang late na 'yan.
Nanay: 'Wag n'yo akong sisihin. Hindi ako ang mabagal. (parang ganun)
Tatay: Sige, hindi na ako magluluto.
Ok lang naman na na-late ako nung araw na 'yon dahil wala pa naman kaming teacher sa Political Science. Hindi n'yo ako masisisi kung bakit naaasar ako sa nanay ko. Siya kasi ang madalas na dahilan ng pagka-late ko. Ayaw raw niyang magmadali dahil ayaw niyang ma-tensyon. Minsan nga, nag-away pa kami.
One Saturday morning. Dapat kasi maaga siyang makarating sa iskul nang araw na 'yon.
Me: Bakit kapag ako ang male-late, ok lang. Bakit kapag ikaw ang mahuhuli, kailangan naming magmadali?
Nagalit siya. Salbahe raw ako. May trabaho raw siya, samantalang ako - wala. Parang wala kaming karapatang magreklamo dahil siya raw ang nagpapalamon sa amin. Siya raw ang gumagasta lahat para sa amin. Hayun, late kung late - basta ang alam ko, hindi ko 'yun kasalanan. Kapag 'yung mga late, nag-accumulate (rhyme ba?) - nagiging absence na.

O is for Olol!
11/16/05
Me: Sino ba'ng dinadalaw mo rito?
Someone: Ikaw.

O is for Oh, no!
11/16/05 Ipapalabas sa UE Theater ang R'meo luvs Dewlhiett (Romeo & Juliet: Jologs Version/Squatters Edition) sa November 24, 4 PM . Gusto ko sanang manood kaya lang may klase ako sa Genetics hanggang 5:30. Hindi ko tuloy mapapanood. Minsan na nga lang ako makanood ng play, hindi pa pwede. Parang noong Foundation Day. First time kong makakanood ng concert, 'di pa natuloy. Ipina-cancel kasi ni Tiyan-cellor 'yung event.

O is for Ok
11/15/05 May trabaho na ulit si Tope. Napirmahan na rin sa wakas ang kanyang authority to teach. Sayang kasi kung hindi siya kukunin ulit ng iskul. Magaling naman 'yung tao, masipag, perfect ang attendance, & mataas ang evaluation sa kanya ng mga estudyante. Hindi nila alam kung ano'ng mawawala sa kanila kung 'di nila kukunin ulit ang taong 'yon. Mixed emotions. Masaya kasi may sweldo na ulit. Malungkot o naguguluhan dahil magugulo raw ang pagre-review niya para sa graduate school & 'di raw niya mapapanood ang premier showing ng Harry Potter. XP

11/17/05 Pinapanood kami ni Dr. dela Cruz ng pelikula. Parang hindi naman siya related sa Health Ethics. The 8th Day / Le Huitieme Jour. French film. Ang ganda, hanep! Talagang not your ordinary movie. Nakakatawa, nakakaiyak. Mongoloid meets Mr. Hectic. Nagtagpo ang landas ni George, isang mongoloid & ni Harry, isang empleyadong masyadong engrossed sa trabaho niya. Binago ni George ang pananaw ni Harry sa buhay & mismong buhay nito. Sayang & nagpakamatay si George kasi pakiramdam niya, pabigat lang siya kay Harry. Kakaiba talaga ang pelikulang 'yon. Nanalo raw na best actors ang mga gumanap kay George & Harry sa Cannes Film Festival. First time na 2 actors ang nanalo ng iisang title. Sana makahanap ako ng kopya no'n para mapanood ninyo. Medyo luma na (1996). Sa'n kaya nahanap ni Ma'am 'yon? Kung anu-ano ang nakukuha niyang mga bagay-bagay, tulad na lang nung 3D Body Adventure.

11/18/05 PE. Ang saya ng game namin. Beat the Ball. Mahirap i-explain. Parang softball na walang bat. 'Yung tatakbo ang maghahagis ng bola tapos tatakbo siya. 'Yung mga ball catchers ang magpapasa ng bola sa homebase man. Dapat maunahan mo sa homebase 'yung bola. May 2 teams: kami 'yung Team Kulugo. 'Yung kabila, Team Sangre (sosyal!). Sabi ko, 'pag tiniris ang kulugo, lalabas ang sangre (dugo in spanish). Nanalo kami dahil 2 lang ang out namin. Ako 'yung nagbigay ng pangalawang out, madulas kasi 'yung wooden floor. Dapat pala, nagpaa na lang ako. Sabi ko sa kanila, sige patakbuhin ninyo ako & ibibigay ko ang pinakaaasam ninyong out. Akala ko, 2 na 'yung out namin noon. 1 pa lang pala. Sabi ko sa kaibigan ko sa kabilang team, pangitan nila ang pangalan nila para manalo sila. Suggestion ko sa kanila bago magsimula ang laro, Team Kurikong na lang sila o kaya Team Kulani.

O is for Ol Op a Saden (all of a sudden)
11/16/05 Grabe, kakabukas pa lang namin ng module sa Philosophy, e mag-e-exam na raw kami sa Friday. Lakas-tama ni sir. Akala yata niya, e nakakapag-discuss siya nang maayos. Sabi ko, wala pa nga akong natututunan, magbibigay na siya ng test. Balita ko ayaw rin ng ibang estudyante sa kanya (e.g. nursing).

11/18/05
Someone: Aalis ka? Pupuntahan pa naman kita. (parang ganu'n)

O is for Oops!
11/19/05 Nahuli kami ng MMDA. Lumiko kasi ang tatay ko sa kanan, e no right turn on red light daw. Tumabi raw & titiketan daw niya kami. Pero nung tumabi na kami, 'di naman kami tiniketan. Ewan ko kung ano'ng nakita niya & 'di na kami tiniketan. Dahil ba 'yon sa mga sticker na ipinagdidikit ng tatay ko sa kotse namin? Tiningnan lang niya ang driver's license ng tatay ko. Bachi.

O is for Oliveros
Gusto kong mapanood 'yung Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. Parang masaya. Kwento ito ng isang batang bading na may mga kriminal na kuya & tatay. Oo, mga kriminal ang mga kasambahay ni Maxi, pero 'wag ka - nagdadasal sila bago kumain.

~~Blessings~~
11/17/05 The 8th Day / Le Huitieme Jour (french film)
11/17/05 no genetics class

~~Picture-istic~~
Momoko, lasing? Naghubad?

N

November 28, 2005
N is for Na-bad Trip
11/6/05 Nakabili na ako ng vcd ng Wishing Stairs - kaso tumatalon. Orig pa naman. Mabuti pa sigurong pirated ang nabili ko, baka mas maganda pa ang quality.Hindi ko naman mapapalitan dahil nag-iisa na lang 'yon sa istante & saka baka wala na silang ipalit. Bumili rin ako ng Les Miserables (book) na ibang version doon sa nabasa ko - siguro mas mahaba. Bumili rin ako nung Ang Alamat ng Gubat ni Bob Ong. Hindi ko ma-gets 'yung kwento, basta natawa lang ako sa pagkain ni Aso ng suka niya. Hayun, naubos na naman ang datung ko. Parang kapag hindi ko nabili ang isang bagay, 'di ko na 'yon makikita pa sa tindahan.P.S. Ang pangit ng subtitling ng Wishing Stairs na nabili ko. Mali na ang spelling, mali na ang spacing, kulang-kulang pa. Nasayang tuloy 'yung P125 ko. T_T

N is for Ngaw-la (langaw)
Eto, nag-aalaga kami ng mga langaw. May 3 klase: white-eyed, ebony, & wild. Sabi ng kaklase ko, wild-eyed daw. Para nga kaming nag-aalaga ng bata. Gagawan pa kasi namin sila ng records, 'yung development ba. Baby na nga ang tawag ko sa mga 'yun, e. 'Pag lalaki, may itim na dot sa pwet. 'Pag babae, puti 'yung pwet & saka patusok. 'Pag namatay, uulit ka. Saya, 'di ba?

N is for Nanghihinayang
11/9/05 Wala na 'yung cd ng opm na may Sakayan ng Jeep. Wala na kasi akong datung noon, e. At saka baka may paggamitan na naman ng salapi, e nahihiya na akong humingi.

N is for Namfootcha!
11/10/05 Bukas ko pa raw makukuha ang overload ng Political Science & PE.
Walanghiyang What is Bioethics?. Napakahaba.

N is for Nakasalubong
11/11/05 Nakasalubong ko si Michael Odulio (hs classmate) sa Morayta. Sa FEU raw siya nag-aaral.

N is for Nakabili
Nabili ko na 'yung The Blairbitch Project ni Chinie Hidalgo. Isa 'yung libro ng mga mapanlait na tula. Mahal. P185. Isinakripisyo ko na ang aking treasured petty cash voucher / refund sa laboratory para doon.

N is for Nood
Gusto kong mapanood ang My Sassy Girl. Naku-curious kasi ako sa kwento & sa kabrutalan ng leading lady.
N is for Nood - granted
11/12/05 Napanood ko na 'yung My Sassy Girl, salamat kay Kristina Fe Mendoza. 'Di ako masyadong nagandahan, pero ok lang. Nakakatuwa 'yung lalaki, parang ang naive-naive niya. Naiyak ako du'n sa part na sinasabi nung ka-blind date ng leading lady 'yung mga tips na ibinigay ni Gyeon-woo (leading man) kung paano pakikitunguhan 'yung babae. Example: 'Pag sinaktan ka niya & hindi ka nasaktan, umarte kang parang nasaktan. Akala ko kasi brutal 'yung babae sa buong pelikula.

N is for Napuno
Saturation yata ang tawag dito. Napuno na ako. 'Yung nanay ko kasi, kanta nang kanta. Ok lang sana 'yon kaso ang lakas-lakas kumanta - parang kailangang marinig ng buong universe (too much of an exaggeration? no), minsan, mali pa 'yung lyrics. Ako nga, ayaw kong may nakakarinig sa akin kapag kumakanta ako, e (pwera na lang kung may talent fee ^^;). Individual differences. Ok. Ngayon lang talaga ako naasar nang ganito sa pagkanta niya. Pati na rin sa pagkanta ng iba - lalo na 'yung wala sa lugar & hindi naman required. Sana, e 'wag n'ya namang lakasan & 'wag siyang kung saan-saan kumakanta. May mga panahon tuloy na nahihiya ako para sa kanya. Kahit kasi sa kotse, kumakanta siya. Naiistorbo tuloy ang pagdadasal ko. Hindi na kasi nakakatuwa.
P.S. Pang-aliw raw niya 'yon sa buhay niyang 'di kaaliw-aliw.

~~Picture-istic~~
Nurse...

M

November 28, 2005
M is for Matang Dilat
10/31/05 Inaantok ako pero hindi ako makatulog.

M is for Mocha & Negi
10/31/05 Namatay na sina Mocha & Negi, 'yung dalawa naming tuta. Hindi na kasi sila kumain. Distemper. Si Jaya / Aya / Ani / Ayako / Yachang (dami bang pangalan? ganito talaga sa 'min, maraming pangalan ang mga alagang hayop), may sipon. Si Poochi, may sipon na, may galis pa. Natutulog daw kasi malapit sa manok. E, may hanep daw 'yon.

M is for Miserables
11/3/05 Natapos ko nang basahin ang Les Miserables ni Victor Hugo. Hanep! Hindi ko napigilang maiyak, lalo na kapag nagpapaalam 'yung bida. Nagtuluy-tuloy na ang pag-iyak ko sa last chapter hanggang sa matapos. Nakakaawa 'yung bida & nakakabilib at the same time. Naging ex-convict siya dahil lang sa pagnanakaw ng tinapay. Laging humahadlang ang nakaraan sa pag-unlad niya. Nakakabilib dahil may tapang siyang aminin ang nakaraan niya tuwing inuusig siya ng konsensya niya. Ang bait niya, sobra. Mas iniisip pa niya ang iba kaysa sa sarili niya. Bagay nga na naging mayor siya sa kwento - mamamayan muna bago mamaya na. Napaka-unfair ng treatment sa kanya & parang naappreciate lang siya ng mga tao nang malapit na siyang mamatay. Saludo ako sa iyo, Jean Valjean. Nakaka-adik.

M is for Mumu
Natatakot ako sa mumu. Sabi kasi sa tv, nagpapakita raw ang mga multo sa mga taong may emotional imbalance.

M is for Memento Mori
Out na ang vcd ng Memento Mori. Wipi! (Hindi maganda ang kwento.)

M is for Milby
Evicted na sa BBHouse si Sam. Yehey! Tamad, nanghihiram ng brief kay Uma, aloof, bugnutin. Ok, talented siya & may hitsura - pero hindi 'yon ang gusto ko sa isang tao. At saka sa tingin ko, boring siyang kasama. Sabi nila, refined lang daw 'yung tao. A, basta, boring pa rin siya.

M is for Mamatay ka na!
11/2/05 Enrollment. Bumaba raw ako para i-verify ang mga grades ko. Pumasok ako. May kausap silang koreano (na akala ko japanese). Parang engganyong-enganyo silang makipag-usap sa foreigner. Nainip ako kaya itinuloy ko ang pagbabasa ng libro. May pumasok na iranian (o kung ano pa man siya). E, di 'yun - kinausap nila. Tapos, kinausap ako ng katabi kong babae.
Babaeng bruha: Ano bang problema mo? Kanina pa kita tinatanong, basa ka nang basa diyan. Naunahan ka pa tuloy nung isa. (something like that)
Duh! Hindi ako bingi & hindi ako tanga para di ko marining kung kinakausap niya ako. Hindi n'ya naman talaga ako tinanong, e. Akala ko kasi, kanina pa nila kausap 'yung iranian & bumalik lang dahil may nakalimutan. Ako pa. Ako pa ang may kasalanan. Kung gusto niya talaga akong kausapin, e di sana kinalabit niya ako o kaya ay sinigawan. Pesteng dentistry ito! Ginawa talaga ang mga tao doon para mang-asar.

~~Blessings~~
10/30/05 text ni Mark Joseph Abellera
10/31/05 bibinkang kanin, suman
10/30 - 11/3/05 Les Miserables
11/4/05 talk with Kim Paula Cortez (cel - nag-uubos kasi ako ng mag-e-expire na load). long time no talk!
11/5/05 walang patid na daldalan with Tippie. Ang daldal ko, kung saan-saan napupunta ang usapan.

L

November 28, 2005
L is for Langhiya!
Naadik ako sa Test Twist. Naglalaro ako habang nagko-convert ng Yuyu Hakusho dvd to vcd. Ang taagaal mag-convert. Namamatay pa 'yung computer kung minsan - lalo na kapag malapit nang matapos o nagko-combine na lang ng video & sound. "yung converter ko, 'di makapagconvert nang may subtitles. Siguradong mataas na naman ang bill namin sa kuryente. Tataas pa lalo dahil sa e-vat sa November 1 & sa December.
~~Blessings~~
10/28/05 talk with Marites (phone). long time no talk!

~~Chu-tune Train~~
Eto 'yung kanta sa bagong version ng Barkada Trip ng Studio 23 featuring Nikki, Derek, & Bok. Dati kasi mataba si Nikki, tapos nagsumikap siyang magpapayat.
Lakambini Bottom
Datu's Tribe
tinitigan ko na
tibok ng puso ko niyayanig ng lakad nya
46 ang waist 58 ang bra
350 lbs na gumigiling sa kalsada
tuwing sya'y ngumingiti
hirap ang facial muscles nya
kahit di ko nakikita
love na love ko ang cheekbones nya
tuwing sya'y nagdadabog
lumilindol sa baranggay
pag sya'y tumatawa
bilbil nya'y kumakaway
chorus:
binibining sexy
binibining sexy
binibining sexy
binibining sexy
eh ano ngayon kung mataba sya?!
mas masarap daw magmahal ng babaeng lumba-lumba
eh ano ngayon kung mabigat sya?!
imbis na tawaging baboy porkchop lechon baka balyena [...]
more to love! alright!
binibining sexy
type kita!
binibining sexy
kahit na matabang-mataba ka!
binibining sexy
love kita!
binibining sexy
legs nya'y mala-troso ang dating
pamatay ng dalag
pwedeng paddle sa hazing
salawal nya'y
pwedeng tarapal pag may libing
ano man ang sabihin ng friends ko sa friendster,
sa skwela, sa bahay, pati na sa baranggay
wala na bang karapatang mainlove ang ubod ng taba?!
binibining sexy
you may be fat
binibining sexy
but i love you like that
binibining sexy
dont care if u look like a pig
binibining sexy
i love my women really big
binibining sexy
ano ba ang problema kung
mataba mataba mataba mataba
binibining sexy
binibining sexy....

K

November 20, 2005
K is for Kaka-asar
Health Care Practicals. Bedmaking ang napunta sa akin. Kinulang ako sa oras dahil baligtad ang pagkakatiklop ng mga bedsheets. Tama naman daw ang procedure. May pa-bonus pa ngang how to put the pillow case on. Ang side question ay: Give 2 bed accessories. Sagot ko: bedboard & plastic draw sheet. Alam kong mali ang huling sagot, pero baka tumama rin.Score: 25/50. Why get angry? Bakit 25 lang, samantalang tama naman ang isang sagot ko sa side question, a. Dapat 35 ako. Kung 'yun din lang ang score ko, e bakit ko pa sinagutan 'yung side question? Ako pa nag sinisi ng nanay ko dahil hindi raw ako nag-aral. Lagi namang ako ang nasisisi kahit sa mga kasalanang hindi ko ginawa/nagawa 'pag sa nanay ko ako nagkwento. Ang kailangan ko, 'yung score na 35 - hindi paninisi. Nag-aral ako, nakalimutan ko lang.
K is for K-oks!
10/18/05 Nagpa-cd burn ako sa Morayta. At long last, nakuha ko na rin ang I Know ng Kaya. Ang tagal kong hinanap 'yon. Buti na lang nakakuha 'yung nagbu-burn no'n. Mahirap talaga 'yung hanapin. Wala na kasi no'n sa market. Naasar lang ako dun sa For All of my Life. 'Di pala maganda 'yung version ni Aliya Parcs. Kanino kayang version 'yung narinig ko? Sa MYMP?
K is for Kendi
10/18/05 May canister ng candy sa isang table sa faculty room, dala ni Angela (Hwang In-Hee). Hulaan mo kung ano'ng tatak. Fruits Candy!

~~Picture-istic~~
Hindi ito yaoi. Ito ay galing sa Yuyu Hakusho. Yusuke & Kazuma. ^^;

Monday, October 20, 2008

J

November 20, 2005
J is for Jo-walan (walanjo)
10/9/05 Ang tanga-tanga ko talaga. Bakit ba pinapakialaman ko pa ang ibang tao? Bakit ba ako naco-concern sa kanila, samantalang hindi naman nila naa-appreciate 'yon. Ako pa nga ang napapahamak. Just do my thing daw.

Don't speak. Act as if you know nothing. Isolate. Don't care. 'Wag mangialam.
Few good things happen when you belong to a group.

P.S. Bagay ba sina Ban & Heavn? ^^;

~~Picture-istic~~

I

November 13, 2005
I is for Imbyerna
10/5/05 Eto, nagkalat kami sa play. It's hard to meet the ideal thing. Bakit kung ano pa 'yung mga bagay na pinaghihirapan, 'yun pa ang nasasayang. Mataas ang standards ni sir dahil actor siya & nagdi-direct siya ng plays. Akala ko kasi, mai-impress ko siya (only with the idea on my mind), pero inaasahan ko na ang pagkakalat namin. Isa 'yon sa mga bagay na ayaw ko kapag ako ang lider. Lalo silang nagugulo. Hay, life. Chaotic. Nasisi ko na naman ang sarili ko, partly faulty. And the rest, to my fate & destiny. Wala kang kasalanan, Daryl. Wala akong naging problema sa iyo. Tama na nga ang pagsesenti. Wla rin namang mangyayari. Akala ko kasi, mahihigitan namin 'yunh isang grupo - which I did not find impressive. As always. . .the real me. . .frustrated. Ok, go back to work. May isa pang chaotic - Anatomy. Gusto ko nang magpasa ng drawings sa botany kaso tuwing gusto ko nang tapusin, may hadlang. Stop. Change the mood. Mag-pampers. You know why. I want to forget this day ever.

I is for I, naku! (hay naku)
Hayun. Nagpracticals kami sa CPR. Ginawa ko naman lahat ng procedures, hindi lang napansin ni ma'am. Binagalan ko pa nga para makita niya, e. Talagang you don't get what you deserve.


~~Picture-istic~~






















(tippie: haha! yan pala ang mga takoyaki supaheroes ng Japan. Paano kaya kung magkabuhay ang mga takoyaki natin no? TAOyaki na sila. Kung nakakadiri sila kainin, takoYUCKY! Tignan mo para silang magbbday party sa costume nila. :Phaha! yan pala ang mga takoyaki supaheroes ng Japan. Paano kaya kung magkabuhay ang mga takoyaki natin no? TAOyaki na sila. Kung nakakadiri sila kainin, takoYUCKY! Tignan mo para silang magbbday party sa costume nila. :P)

H

October 27, 2005
H is for Hangin
Ang yabang naman ni _____. Gusto niya siya na lang lagi ang highest. E, ano kung mataasan siya ng iba? Hindi ba pwede 'yon? Kung ako siya, hindi ako mag-e-expect ng masyadong mataas na grade. Wala namang masama doon, pero yumayabang na siya. Dahil ba aral na aral siya? na scholar siya? Dapat nga 'yang scholarship, para lang sa mga mahihirap - 'yung mga hindi talaga makakapag-aral kung hindi mo tutustusan. Parang bang wala nang room para bumaba sila sa lebel ng iba. Ako, kahit noong nag-aaral pa ako nang matino, I don't expect too much. Masasaktan lang ako kapag hindi ko nakuha ang grade na nararapat sa akin.

H is for Hinayang / Hiya
Psychology. Nagalit si Dr. Monce sa amin dahil marami ang hindi nakikinig sa discussion. Nagkaroon tuloy kami ng pretest sa susunod na chapter. Binasa ko 'yung chapter pero 'di ko masyadong inintindi. Hindi ko naman akalaing essay ang ibibigay niyang exam. Wala akong maisagot. For the very first time in my lifetime, wala akong maisagot. Tingin ko, manghihinayang si ma'am. Inaasahan pa naman niyang matalino ako. Sorry - for myself & to her. I wasn't able to live up to her expectations. Babagsak na ako sa Psychology. Magagalit ang nanay ko panigurado. Hanggang kailan ko ba sisirain ang buhay ko? Mas pipiliin ko nang bumagsak kaysa mangopya. Pangalan ko ang nakataya rito. Grabe, hindi na ako nadala. Kailangan pa talagang maliksyunan & magtanda. Kinakaya-kaya ko lang kasi ang mga bagay-bagay, e. Sige na nga! Magaling na kayo kung magaling. Alam ko naman 'yon, e. Ayoko lang aminin sa sarili ko.

H is for Hanep!
9/27/05 Nahiram na ng tatay ko ang mga dvds ni Donna kahapon. May Yyh, Rk & Sd. Sana makopya ko nang maayos nang makatipid naman ako, kami. Mas tipid sana kung nakakapag-burn ng dvd ang computer ko, kaso hindi nga.
Astig 'yung exam of conscience kaninang anatomy. Wala akong masabi. Cheaters never quit.

Kung magkakaroon daw ng pangalawang buhay ang nanay ko, sino raw ang gusto niynang mapangasawa? Si Bill Gates daw. Korek! Nakatira pa siya sa Intelligent House. Asteeg!

H is for Hmp!
Bigla tuloy akong nagalit sa salitang corny. Lagi ko kasing naririnig, e. 'Pag may nagpatawa o nagsalita at hindi sila natawa, sasabihan nilang corny. Ako, kahit gaano ka-corny ang isang bagay, tinatawanan ko na rin, o kaya nagko-comment na lang ako 'wag ko lang masabing corny 'yun. Kasi, sayang naman 'yung effort nung tao. Gusto lang niyang mag-share o magpasaya. Ba't ko nasasabi ito? Kasi sa tingin ko, 'yun ang nararapat na gawin. Sabi tayo nang sabi sa iba na igalang ang kapwa pero ano ang ginagawa natin? Nagpapakahipokrito tayo sa buong buhay natin. Ok, ang sabihing corny ang isang bagay ay pagpapakatotoo pero sana, ma-appreciate naman natin ang iba. Lalim ba? 'Sensya na kayo, ha? Sakit ko na 'to, e.

~~Picture-istic~~
Merong website na may ganitong icon. May arrow na nakaturo kay Kazuki - not a girl