S is for Score
12/14/05 100 ako sa Statistics. Salamat sa 5 bonus questions / points.
S is for Scavenger Hunt
12/14/06 Christmas party sa Health Care 2. Hindi ako interesado sa mga party kaya wala akong masyadong masasabi. Hayun, may games. Scavenger Hunt. Hahanapin mo 'yung mga nasa listahan. Panalo ang grupong makakakumpleto ng mga nakalista.
Eto ang listahan ng mga hahanapin:
SKAVENGER HANT
1. trash can
2. contact lens
3. white hair
4. dry leaf
5. pretty woman dancing
6. colored socks (banal black & white daw!)
7. stocks ng ebony
8. 3 scientific calculator
9. foreign student who can say this: pasko paksiw (10x)
10. plain white t-shirt (hindi nakasuot)
'Yung isang game, maglalagay ka ng tali sa baywang tapos sa kabilang dulo, itatali mo 'yung talong & hahayaan mo itong sumayad sa sahig. Gagamitin mo 'yung talong para iusog 'yung tansan sa sahig.
Masaya.
Expenses
P80 ang siningil para sa pagkain. KFC - rice, chicken, softdrink. P20 ang siningil ni Camille para sa papremyo sa game. P50 ang napagkasunduang presyo ng exchange gift.
Exchange Gift
May codename ang makaka-exchange gift mo. Hulaan mo ang codename ko. Bumbunang Umiilaw na May Langaw sa Ibabaw. Ayos ba? Mahaba rin ang codename na nabunot ko: The Man Who Made the Day Blue. Si Fatima pala 'yon. Oo nga pala, blue ang paborito niyang kulay. Binigyan n'ya ako ng blue na body scrub & lotion. I wonder why. Dinaya ko ang amount ng regalo. P35 lang ang presyo ng binili kong plastic box na may hawakan. Nilagyan ko lang ng 10 Vic Pie: 5 strawberry, 5 grapes. Naasar ako sa natanggap kong regalo. Napaka-cheap & babasaging pen holder. Crude ang pagkakagawa. Hindi patag 'yung loob. Pangit ang design. Basta pangit. Gusto ko sanang iregalo sa iba kaya lang baka hindi rin nila ma-appreciate & maasar din sila.
S is for So lamig
12/15/05 Hindi yata ako tatagal sa lugar na may snow. Tiklop na ako sa aircon, e. Napakalamig dito sa ED 311. Halos manigas ako sa lamig habang nag-e-exam. Ang hirap mag-isip kapag nilalamig ka. Bumabagal daw kasi ang pag-iisip kapag nasa tapat ka ng aircon dahil nafi-freeze ang tubig sa utak. Lalo na kung tubig lang ang laman ng utak mo. ^^; Joke lang!
S is for Shadow
12/16/05 Christmas Party ng mga prfo sa CAS. May ice cream na 3 flavors sa isang lalagyan: chocolate, ube & strawberry. Para kasing eyeshadow. Sabi ko, eyeshadow ice cream.
S is for Surprise
12/17/05 Pumunta ako sa Lotus para bumili ng vcd ng Getbackers. Wala na doon 'yung Anime Explorer. Sayang! Maganda pa naman ang quality ng vcds nila. Nagtanong ako sa tinderang nasa dating pwesto ng Anime Explorer kung meron silang series ng Getbackers. Dvd lang daw. Nakita ko 'yung 2 dvds (nasa unang dvd ang episodes 1-25, sa pangalawa 'yung 26-49). Hindi ako makapaniwalang magkakasya ang 25 episodes sa loob ng isang dvd. Kinuha ko na. P180 (P90/dvd). Bago ko makita 'yung dvd ng Getbackers, nadadamihan na ako sa 8 episodes per dvd. Mas malakas 'yung menu music kaysa sa episode audio. Hindi ko na ibinalik tutal hindi naman sira.
~~Blessings~~
12/14/05 100 sa Statistics, Health Care 2 Christmas Party (KFC 1 pc chicken & rice)
12/16/05 ice cream
12/17/05 Getbackers DVD
~~Ha-quote~~
Nakasulat sa label ng isang permanent marker:
can all use on the wood, paper & glass, metal, plastic products
shake violintly or drop will make ink leak
No comments:
Post a Comment