A is for Astig
8/6/05 - May free taste ng ice cream (Magnolia: Coffee Rush) sa sm bacoor supermarket. Bihira magyari yon kaya sinamantala ko.
A is for Away
8/1/05 - Inaway ko raw si Yana, sabi ng konsensya ko. Breaktime.
Me: (kay daryl) Alam mo ba kung bakit Lala (fish cracker) ang pangalan niyan? (pause) Kasi Lala-fangin. (tiningnan ako ni yana. ewan ko ba kung nainsulto ako o na-paranoid lang) Hindi ako nagpapatawa.
Y: Bakit ka nagagalit? Wala akong ginagawa sa yo. (not the exact words)
Me: Ganyan din naman kayo, a.
Y: Bastos ka, e.
(ok bastos na ako kung bastos. pero sino ang nagtatapon ng kalat kung saan-saan;nagsasalita habang may iba pang nagsasalita; humikab, umubo & humatsing nang hindi nagtatakip ng bibig o ilong; nag-iingay habang naglelecture ang teacher; nagmamarunong; sagutin ang teacher ng WHAT?
Mr. Zamoras: How about you Ms. Velasquezkho?
Y: WHAT?)
Me: Ano'ng ginawa ko? Bakit ako bastos? (hindi ko talaga alam kung paano ako naging bastos)
Y: . . . alam mo, ikaw lang ang nag-iisip na inaapi ka rito. . .
(hindi po ako tanga. ok, hindi nga ako inaapi. minamaliit lang.)
Me: Ok, sorry (with peace sign).
Y: . . . pinapakisamahan ka namin, kaya matuto ka ring makisama.
Napilitan lang akong mag-sorry dahil ayaw ko ng kaaway. Ayokong magkaroon ng basehan ang mga tao para ipakulam nila ako. Ang tindi kasi ng konsensya ko, parang yung away na lang ang lagi kong naiisip. Pwede bang magpa-opera ng konsensya? Yun daw ang tinig ng Diyos sa isipan mo.
8/4/05 - Inaway ba naman ni Architect Kabayu (ewan ko kung anong spelling & hindi ako interesadong malaman) ang ninong ko. Matagal na raw kasing reklamo ang mahinang aircon sa CAS, e hindi naman inaaksyunan ni kabayo. E di, ipinarating na kay P. O. Domingo yung reklamo. Ang interpretation ni kabayo ay petition yon para naalis siya sa pwesto. Sinigawan ang ninong ko sa gitna ng faculty room. Sinabihan pa niya 'to ng Tanga & minura pa. Ano'ng karapatan niyang gawin yon? Empleyado lang siya, & propesor ang ninong ko. Pero kahit nag-aaway sila, mahinahon pa rin si ninong. Kakaiba. Isa lang ang masasabi ko kay kabayo: Hayop siya!
Sinasaway na siya ng ibang teachers, pero ayaw paawat. Buti hindi niya sinabing "wag n'yo akong pigilan kundi, sisipain ko kayo! (neighs)"
A is for Asinine (stupid)
Aabang-abang pa ako sa XL na jogging pants, e kasya naman pala yung large sa akin.
Hindi na naman ako nag-aral sa Health Care. 36/100 lang ako, e 75 ang passing grade. How sadistic.
A is for Ayaw
8/6/05 - Pumunta kami sa Missionaries of Charity. Una sa Home for the Aged. Nagbigay ang klase ng toiletries & 2 box ng tetrapak juices. Tapos, pumunta rin kami sa orphanage. Ayokong pumasok kasi sa tingin ko, parang nakakainsulto sa kanila yon. Hindi na nga kami nakatulong para pagandahin ang buhay nila, tapos titingnan lang namin sila na parang nasa art exhibit. Baka ayaw rin nilang kaawaan sila. 'Di bale sana kung nagpakain kami. Sa tingin ko e ok din yon dahil may bumibisita sa kanila. Nakakaawa talaga yung mga nandoon. Hindi naman nila kasalanan ang mapunta roon.
Bumili ako ng 12 My First Crayons, yung mataba. Nakakatuwa kasi, e. Nandun yung primary & secondary colors, black, white, brown, gray, & peach. Binili ko yon dahil sa peach. Kailangan ko yon pag nagdo-drawing ako ng tao.
Joke galing kay Dr. dela Cruz (hindi siya nakakatawa pero tinawanan ko kasi yun ang dapat gawin, pakisama ba. hindi ko sinasabi sa kausap ko na corny yung joke. basta tawa ka lang o kaya mag-comment ka, basta wag mo lang sabihing corny - directly o indirectly)
Sa Jesus Miracle Crusade, para patunayang may himala pinagsalita ang pipi/pipe.
Ministro: Say, baby (pronounced as beybe)
Pipi: (mahina) bebe
Ministro: Say Jesus
Pipi: (mahina) bebe
Sana mahanap na nila yung librong My Favorite 11 Plays kasi hindi ko alam kung saan hahanapin yung Short Time & Frustrations.
Kailangan ko nang bumawi dahil napag-iiwanan na ako. Beware of my halimaw side *evil grin* (joke!). Sayang kasi ang pagka-dean's lister ko. Dapat samantalahin habang wala pang math sa curriculum.
P. S. Alam n'yo, mabait naman ako e. 'Wag n'yo lang akong awayin & maliitin, magkakasundo tayo. Kung kaunti lang ang mga kaibigan ninyo, 'wag mag-alala. Kasi "one who has many friends has no true friends", sabi ng isang libro. Kaunti man sila, at least hindi plastic.
~~Picture-istic~~
Wala lang. Ang cute ni ginji dito.

No comments:
Post a Comment