October 27, 2005
F is for Forgive me
Inimbitahan ako ni Jennilou sa debut niya (9.10.05). Sabi ko wala akong pera. Nakakahiya naman kung wala akong regalo. Sabi niya, ok lang daw. Sabi ng nanay ko, 'wag ko raw sabihin 'yon. Parang yung regalo lang daw ang mahalaga sa birthday niya. Pero, c'mon. Let's face the truth. 'Yun ang katotohanan. Minsan, masyado tayong maingat sa mga sinasabi natin na nagpapahipokrito na tayo. Nagsorry ako. Sabi ko, 'di ako marunong mamasahe (lalo na sa Maynila o kung saan pa man kasi hindi naman ako gala & takot akong maligaw). Hirap talaga ng buhay na ito. 'Di mo alam kung ano'ng dapat o tama & di dapat o maling sabihin. Ipinanganak kasi akong tactless. May RSVP sa invitation. Kung formal ang attire, ang tanging pormal kong damit ay ang school uniform. Kung gown ang pag-uusapan, lab gown lang ang mayroon ako. Semi-formal ang attire. Just playing safe.
F is for Failure
Natalo kami (green team) laban sa red team. May makakatalo ba sa red team, e nandoon ang Jacky-Camille tandem (na parang sila lang dalawa ang players). Failure? Hindi. Magaling lang talaga ang red team. Natalo kami kasi hindi ako pumasok sa game. Joke lang po.
F is for Failing
'Di naman pala. Pakiramdam ko kasi, todo bulusok na ang mga grades ko dahil sa katamaran. Goodbye, dean's list. Ok lang, wala naman akong kickback doon. Pero sayang pa rin ang prestige. Sabi ni Dr. Monce, magaling naman daw ako - natatabunan lang. Mataas naman daw ang grade ko. Ganun din ang sabi ni Dr. dela Cruz. Parang "Mataas naman ang mga grades mo. Nagtataka nga ako kasi lagi mong sinasabi na hindi ka nakapag-aral". 4 lang ang sagot diyan: multiple choice ang test, may alam ako kahit konti, magaling akong manghula, o genius lang talaga ako (ang huling dahilan ay purong kalokohan lamang).
F is for Fun
Masaya ang quiz bee namin sa anatomy pero lokohan lang 'yun kasi nagkokopyahan lang naman sila ng sagot, nangongopya sa libro o sa iba, o nagsasabwatan. Ayos lang 'yon kasi nakapagpahinga ang tamad kong utak.
~~Picture-istic~~
Tokimeki Check-in. Hinahanap-hanap ko ang H-game na ito. Parang Love Hina 'yung kwento. Tagapagmana 'yung lalaki ng hostel. Tapos ang dami niyang babae. Na-ano niya yata lahat. Swerte naman. *smirk*

No comments:
Post a Comment