Monday, October 20, 2008

Testimonials

July 9, 2005
Eto po ang mga paborito kong testimonials sa friendster. Hindi ako gumagawa ng testi kasi mahirap. Hindi mo naman pwedeng sabihin ang masasamang ugali ng isang tao sa testi. Sabi ko, hindi na kailangan ng testi para patunayang magkakaibigan tayo. Hindi naman uunlad ang Pilipinas sa paggawa ko ng testi. Isa siguro yon sa mga dahilan kung bakit walang masyadong nag-i-invite sa akin. Minsan, di ako makapaniwala na may natutuwa & nagtitiwala sa akin. Salamat po sa inyong mga kaibigan ko. Kayo po ang dahilan kung bakit buhay pa ako & nakakatagal sa mundo.
hi!!!
cno ba ito??
well sya pa naman ang pinakamapagkakatiwalaan na frend i ever have... so far...
baka sbihin mo nambobola lang ako eh... by d way...
kahit mejo introvert ang pagkakakilala ko sa kanya, alam ko na kapag naging kaibigan ka nya swerte ka... y?uhmmm, ahhh... ah!! kc mabubukas ang icpan mo sa lahat ng bagay tungkol sa mundo...
or shud i say kamunduhan?? hehe joke lang po!!
maganda boses nya... namimiss ko na nga ung pagkanta nya ng if i were u ni tamia!!!! sana marinig ko uli un...
sana makadalaw ako sa bahay nya at sana kapag dumalaw ako... nanjan ka!! hehehe...
kamusta ka na nga pala?? tagal ng walang communication...
miss na rin naman kita kahit papano!!!
kasi napaka bait nya (kahit madalas nanananching, hehehe)
elow...etong c jellyfish, bestfrend koh to...cmula kinder, mgksama n kmi nito...kya mhl n mhl koh to...eto ang nangunguna s listahan ng mga frends koh...kya wg nio aawayin to...dhl aawayin koh rin kayo...uhm, tagal koh n di nagpu2nta dian...isng araw, dalaw me...gudluck s college years moh...and thank u s lht...pti s pki2nig mo s problems koh...bsta problem s mgulang, nagkakasundo tyo...hehe...yngat u lgi...lab yah!!!
Si Jellyfish? Yan ang Godmother na S.S!
Woohoh! Ginagawan niya kami ng website!
Nyahahahah, di ba kitang-kita naman ang kabaitan niya?
Sobra weird niyan kaya kami nagkakaintindihan,
mag-iingat nga lang kayo sa kanyang hands dahil kung saan saan yan lumalapag.
Masaya talaga syang kasama. She’s also thoughtful, creative, a nature-lover, and most of all a true friend. Lab na lab ko talaga sya!
“MOMO-CHAN, KUNG FEELING DOWN KA, REMEMBER NA NANDITO LANG KAMING MGA FRENZ MO PARA SUPORTAHAN KA.”At para naman sa mga taong umaapi sa kanya, ‘Hoy, Mafanot kayu!’
Jellyfish is my best friend since Gr5. She’s chubby and short pero wag nyo mamaliitin yan dahil matinik at malakas ang impluwensya. //^_^\ Of all d frenz I had, she is d one I admire d most.
Minsan she’s weird but I can make sense of what she says. Nakakatuwang isipin na madalas tugma ang mga ideas namin at naiisip rin niya kung anong naiisip ko. Parang tuloy sina B1 at B2. She makes me laugh all the time. Magaling syang manggaya ng boses. She loves writing stories, spoofs and translates English songs into Tagalog. Loves to scare herself with scary movies and watches anime and hentai. I trust her a lot. Basta si Dianne nagsabi, sigurado yan walang duda. She always listens to me kahit maliit na bagay lang ang kinukwento ko. Ginagawa ko na nga syang human diary kung minsan. Favorite kong katelebabad kaya umuusok na yung phone pagkatapos gamit. She completes and lightens up my day.
“MOJA, SENSYA NA KUNG MINSAN SOBRANG BABAW AT KULIT KO.”

P.S. Sabi ng tatay ko: kung siya ang presidente, lahat ng makukuha niyang pera sa jueteng ay ibabayad niya iyon sa utang ng Pilipinas. E di kahit ma-impeach siya, magpapasalamat pa ang mga tao dahil nabawasan na ang burden nila. Bakit hindi maisip ng mga opisyal ng gobyerno yan? Napakagahaman kasi ng mga kumag, e. Gahaman king. Gets?

(Tippie: Ibang klase, mangungurakot for the good of all. Walang nakakaisip ng ganyan sa gobyerno dahil mas tanga pa yung mga kurakot na pulitiko na yan kaysa sa atin. Hmp! Sumali lang sila sa pulitika para magpayaman. Bakit ganun, ang mga mabubuting lider ayaw pumasok sa pulitika samantala ang mga walang karapatang mamuno ay naluluklok sa pwesto? Siguro dahil ang mabubuting tao ay naniniwala na kahit gawin mo ang lahat ng makakaya mo para sa iba ay wala pa rin silang utang na loob. Kahiya-hiyang Pilipinas. Naawa na ko sa bansa natin.)

No comments: